top of page
Search

Ombudsman: parang bata, arogante

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jul 10, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

PAGHIHIMUTOK NG OMBUDSMAN: PARANG BATA, AROGANTE: Parang bata. Walang sapat na bait. At napakayabang. Ito, sa marami, ang nakita sa ginawang paghihimutok sa publiko noong Julio 01, 2015 ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, noong banatan niya ang kanyang mga kritiko na nag-aakusa sa kanya ng double standard of justice dahil tanging ang mga kalaban sa pulitika ng Pangulong Aquino ang kanyang sinasampahan ng kaso.

Una, ang paggamit ng “salitang kalye” ng isang opisyal na dapat ay kagalang-galang dahil siya ang nakaluklok sa isang mataas at may dignidad na posisyon gaya ng Ombudsman, gaya ng “nabubuwisit na ako”o “napipikon na ako” sa kanyang mga kritiko, ay kayabangang bigay-todo.

Bilang isang opisyal ng gobyerno na ang sahod ay binabayaran ng sambayanang Pilipino na kinabibilangan ng kanyang mga kritiko, si Morales ay may tungkuling kumilos at magsalita ng maayos sa lahat ng sandali. Tungkulin din niyang laging aalalahanin na siya ay isang “public servant”o “lingkod ng publiko” na dapat ay lagi ng bukas sa mga komentaryo at kritisismo, lalo ukol sa kanyang mga opisyal na Gawain.

-ooo-

OMBUDSMAN LACKS UNDERSTANDING OF HER POSITION: Ikalawa, ang pagpapakita ng galit ni Morales sa mga taong nagsasalita ukol sa kanyang mga ikinikilos bilang opisyal ng gobyerno ay nagpapakita ng kanyang delikadong kawalan ng unawa o, marahil, ng kanyang tahasang pag-ayaw na unawain ang tunay nityang papel bilang public servant, daan upang agarang makuwestiyon ang kanyang kakayan at integridad upang manatili sa kanyang posisyon.

Ang ganitong sitwasyon ay di mauunawan ng marami, lalo na kung isasaalang-alang na siya ay dati pa namang mahistrado ng Krote Suprema, at ngayon nga ay ang pinakamataas na opisyal ng gobyernong lumalaban sa katiwalian at may responsibilidad na siguraduhing ang mga kapwa niya naglilingkod sa pamahalaan ay sensitibo sa pangangailangan at naisin ng sambayanan.

Sa kanyang paghihimutok sa publiko, pinatunayan lamang ni Morales ang isa sa dalawang bagay: kung hindi siya walang kaalaman sa pangangailangan ng kanyang tanggapan at posisyon bilang Ombudsman, maaaring ang kapangyarihan ay lubusan ng umakyat sa kanyang ulo kaya naman di na niya maisip kung ano ang epekto ng paghihimutok sa publiko ng isang opisyal na mataas ang tungkulin.

-ooo-

OMBUDSMAN, DAPAT MAGBITIW, O SIBAKIN: Anuman ang mangyayari, kailangan na niyang pag-isipan ang boluntaryong pagbibitiw sa kanyang posisyon sa ngayon, o di kaya naman ay tuluyan na siyang tanggalin bilang Ombudsman, upang makapagluklok ang Pangulong Aquino ng hahalili sa kanya na mas tanggap ang mga pagpuna, pagbatikos at mga kritismo.

At upang maipaala-ala kay Morales kung ano ba ang dapat asahan sa kanya bilang Ombudsman, naririto po ang ilang bahagi ng Saligang Batas at ilang mga alituntunin ukol sa mga opisyal ng gobyerno: “Section 1, Art. 11, 1987 Constitution: Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.

Eto naman ang Section 2., RA 6713: Declaration of Policies. - It is the policy of the State to promote a high standard of ethics in public service. Public officials and employees shall at all times be accountable to the people and shall discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and loyalty, act with patriotism and justice, lead modest lives, and uphold public interest over personal interest.”

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga RRRreplays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page