top of page
Search

Ombudsman, instrumento ni PNoy sa pulitika

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jul 10, 2015
  • 2 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mas madaya ang kaisipan ng tao kaysa sa ibang madaya. Lubos ang kanyang kasamaan. Sino ang makakaunawa nito?” (Jeremias 17:9, Bibliya).

-ooo-

OMBUDSMAN, INSTRUMENTO NI PNOY SA PULITIKA: May dagdag na reaksiyon ang kolumnistang si Bobi Tiglao sa paghihimutok sa publikong ginawa ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, laban sa mga nag-aakusa sa kanya ng double standard of justice dahil mga kalaban lamang ng Pangulong Aquino ang kanyang inuusig ng mga kaso.

Isinulat ni Tiglao: “Sino ba siya sa akala niya? Na siya ang rurok ng katarungan kaya di niya kailangang ipaliwanag sa bansa, sa pamamagitan ng media, ang malawakang kaisipan na inuusig lamang niya ang mga nasa oposisyon?

“Mula noong mailuklok siya noong 2012, siya na ang pinakamatinding instrumento sa pulitika ni Aquino. Ang pagkakatalaga ni Aquino ng korapsiyon sa Office of the Ombudsman upang gamitin itong instrumento laban sa kanyang mga kalaban sa pulitika ang siyang pinakamasamang ginawa ng rehimeng ito, dahil na rin sa kasiraang idinulot nito sa mga institusyon ng Republika…”

-ooo-

IBA PANG DFA OFFICIALS, SANGKOT SA PLUNDER: Naririto pa po ang ilan pang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isinasangkot sa kasong plunder sa Ombudsman ni Reynaldo Joson, and dating hepe ng DFA’s Hygiene and Sanitation Unit, kaugnay ng maanomalyang paggamit ng P5 bilyong pondo ng DFA taon-taon para sa repair at maintenance. Basahin po natin:

“Asst. Engineering Head Cesar Cruz-dating administrative officer ng Office of the Secretary (OSEC). Ngayon, siya ang Assistant Head ng Engineering Department, na naatasang maghanap ng mga bagong proyekto para sa repair at rernovation. Ang kanyang partisipasyon sa anomalya ay ito: ang lahat ng proyekto sa DFA ay nag-umpisa sa Engineering Department, kasabwat ang mga kontratista.

“Consul Roberto Bernardo-pinalitan niya si Engr. Philip Tabula. Siya ang nagtuloy ng mga di-natapos na proyekto ng Engineering Department, sa pakikipagsabwatan ng mga kontratista, bago pa man ang bidding. Siya din ang may plano at disensiyo ng mga proyekto, kasama na ang gagastusing pondo.

-ooo-

“SA DFA, EVERYBODY HAPPY”: “Amb. Rowena Sanchez-dating Special Assistant sa OMWA (o Office of the Migrant Workers Affairs), DFA. Noong malaman niyang tutol ako sa mga proyekto lalo ng JD Legaspi Construction, iniharap niya ako kay A/Sec. Bataclan.

“Sinabihan ako ni Bataclan: “Rey, e-go mo na lahat ng mga projets at sumama ka na sa amin. Kami na ang bahala sa iyo para everybody happy.” Matapos ang pulong, iniharap naman ako ni Bataclan kay Dir. Rey Catapang, na nagsabi: “Tukayo, pagbutihin mo, sama-sama tayo.”

“Amb. Cecile Rabong-dating Chief Coordinator sa Office of the Secretary ng DFA. Bilang Chief Coordinator, alam niya kung ano ang nangyayari sa Departamento, pero nabigo siyang pigilan ang mga anomalya at korapsiyon doon…” May dugtong po ito.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page