top of page
Search

“Kadugo Ni Kristo”

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jul 10, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Tinubos niya tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan, ayon sa yaman ng kanyang pagpapalang ibinigay niya sa atin…” (Efeso 1:7-8, Bibliya).

-ooo-

“KADUGO NI KRISTO”: Naririto po ang opisyal na pagpapahayag mula sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo kung bakit tinatawag ng kanyang mga kasapi ang kanilang mga sarili bilang mga “kadugo Ni Kristo”: Ang pagiging anak ng Diyos ay hindi aksidente lamang ng kalikasan, o ng pagnanais na nagmumula sa labi ng isang tao.

Nagmumula ito sa pagtupad ng isang nagnanais maging anak ng Diyos sa prosesong itinatakda ng Bibliya mismo. Upang maging isang anak ng Diyos ang isang lalaki o babae, kailangan niyang gampanan ang mga proseso, at tuparin ang mga kondisyong nagmumula sa Bibliya, bago siya maituturing na anak ng Diyos.

Ang proseso at mga kondisyones na ito upang maging anak ng Diyos ang isang tao ay mababasa sa Juan 1:12-13 ng Bibliya. Ayon sa mga bersikulong ito, ang isang anak ng Diyos ay ang taong tumanggap at nananampalataya kay Jesus, at ang katayuan niya bilang anak ng Diyos ay di dahil sa pita ng laman, o sa kagustuhan ng tao, kundi dahil sa siya ay isinilang mula sa Diyos.

-ooo-

KALIGTASAN SA DUGO NI JESUS: Sa doktrina ng AND KNK, kung ang isang taong naging anak ng Diyos ay inililigtas ng dugo ni Jesus, at napapatawad na ang kanyang mga kasalanan (Efeso 1:7, 1 Juan 1:7, Hebreo 9:14-22). Bunga nito, ang isang nagiging anak ng Diyos ay nagiging bagong nilalang, dahil nakikipag-isa siya kay Jesus. Nawawala na ang kanyang dating makasalanang pagkatao, at siya ay nagiging bagong nilalang (1 Corinto 5:17, Roma 6:6).

At ang pagiging bagong nilalang ng isang anak ng Diyos ay di lamang sa isip nagaganap dahil sinabi ng Bibliya, sa Efeso 5:30, na ang anak ng Diyos ay nagiging bahagi ng katawan ni Jesus. Ang pahayag na ito ay maaaring literal at talinghaga, at naniniwala ang AND KNK na ang pagiging bahagi ng katawan ni Jesus, gaya ng sinasabi ng Efeso 5:30, ay maaaring isang literal na kaganapan din.

Ang ibig sabihin nito, nawawala ang dating makasalanang katawan ng isang taong naging anak ng Diyos, dahil nagkakaroon na siya ng katawan ng kapatawaran, katawan ng katagumpayan, o katawan ng kaligtasan, at ito nga ang katawan ni Kristo Jesus.

-ooo-

MGA KASAPIN AND KNK, KADUGO NI KRISTO: Ngayon, matapos maging bahagi ng katawan ni Jesus sa literal at matalinghagang kaparaanan, may haharaping tanong ang isang anak ng Diyos: kung ang anak ng Diyos ay bahagi na ng katawan ni Jesus, papayagan pa ba ni Jesus na dugo pa din ng makasalanan (na siyang dugo ng lahat ng tao dahil ayon na rin sa Bibliya ang lahat ng tao ay makasalanan) ang siyang dadaloy sa katawang naging katawan na Niya?

Maliwanag po ang sagot: Hindi po papayagan ni Jesus na dugo pa din ng makasalanan pa din ang dadaloy sa katawan ng isang anak ng Diyos. Sa halip, gaya ng sinasabi ng Efeso 1:7, 1 Juan 1:7 at Hebreo 9:14-22, ang dugo na ni Jesus ang dadaloy sa katawan ng isang anak ng Diyos, dahil tanging dugo ni Jesus ang dadaloy sa Kanyang sariling katawan.

Ganundin, kung dugo na ni Jesus ang dumadaloy sa katawan ng isang anak ng Diyos, ano naman ang relasyon ng isang anak ng Diyos kay Jesus mismo? Natural, ang anak ng Diyos ay magiging kamag-anak sa dugo, o, sa mas angkop na katawagan, kadugo ni Kristo, sapagkat iisang dugo lamang ang nasa kanila. Ito ang dahilan kung bakit ang bawat kasapi ng Simbahang AND KNK ay tinatawag na “kadugo Ni Kristo”.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page