top of page

SC justice vs. “bullies”, “sharks”

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 30, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

SC JUSTICE VS. “BULLIES” AT “SHARKS”: Mariin ang kastigong ginawa ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza sa mga diumano’y mga “bullies” at mga “pating” sa propesyong legal at maging sa hudikatura, noong siya ay magtalumpati bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagtatapos ng mga estudyante ng UP College of Law noong Lunes, Junio 29, 2015.

Sa tinig na hitik ng emosyon, pinaalalahanan ni Jardeleza ang mga nagsipagtapos, sa harap ni Law Dean Danny Concepcion, Associate Dean Chit Jardeleza (ang kanyang maybahay) at ng halos 50 mga law professors sa UP, na kailangan nilang magpakatatag kung, sa kanilang pagiging abogado, sila ay makakaharap ng mga “bullies” at mga “sharks” na ayon sa kanya ay napakarami na sa bansa sa ngayon.

Ipinahayag din ni Jardeleza ang pagka-dismaya laban sa dalawang prominenteng mga justices ng hukuman na nagsama upang tutulan ang kanyang pag-upo sa Korte, at nag-akusa pa sa kanya ng pagtalikod sa bansa at sa sambayanang Pilipino sa isyu ng West Philippine Sea. Nasira diumano ang kanyang pangalan at nagbigay pa ang ginawa ng dalawang mahistrado ng matinding dusa sa kanya at sa kanyang pamilya sa.

-ooo-

IBA PANG DFA OFFICERS SA PLUNDER RAPS KINILALA: Naririto po ang iba pang mga opisyales at mga ambassadors ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inakusahan ng plunder o di kaya ay katiwalian sa Ombudsman ng kanilang dating kasamang opisyal, si Reynaldo Joson, kaugnay ng taunang budget ng DFA para sa mga repair na nagkakahala ng P5 bilyon:

“Amb. Victoria Bataclan-dating assistant secretary sa Office of the Personnel and Administrative Services. Ang lahat ng proyekto ay dumadaan sa kanyang opisina upang maaprubahan. Iniulat ko kay A/Sec. Bataclan ang sigalot sa JD Legaspi Contractors’ sub-standard projects para sa DFA, pero wala siyang ginawa man lamang.

“Amb. Reynaldo Catapang-dating Executive Director ng Office of Personnel and Administrative Services (OPAS). Ang lahat ng proyekto sa DFA ay dumadaan sa kanya upang maaprubahan. Nasabi ko din sa kanya ang lahat ng mga problema ukol sa mahinang kalidad ng pagtupad ng JD Legaspi pero wala din siyang ginawa man lamang.

-ooo-

“MGA DFA OFFICIALS, DI KUMILOS VS. KATIWALIAN”: “Amb. Grace Prensesa Escalante-dating Director ng Property Maintenance and Transportation Division (PMTD). Ang lahat ng proyekto ng DFA ay dumadaan din sa kanya para maaprubahan. Iniulat ko din sa kanya ang mga anomalyang nakita ko, sangkot ang JD Legaspi Construction pero siya man ay walang ginawa.

“Engr. Edifredo Dabuet-dating Head ng Engineering Department. Siya ang naghahanda ng mga plano para sa lahat ng proyekto ng DFA para sa renovation at construction, at siyang nakaikipag-ugnayan sa JD Legaspi, sa DPWH, at iba pang kontrratistang nakuha para sa mga DFA projects.

“Engr. Philip Tabula-dating assistant ni Engr. Dabuet. Noong malaunan, siya man ay naging pinuno din ng Engineering Department. Ipinagpatuloy niya ang mga proyektong di natapos ni Engr. Dabuet. Siya ang kausap ng mga kontratista bago pa man ang proseso ng bidding. Siya din ang nagdisenyo ng lahat ng mga gagawing proyekto ng DFA, kasama na ang pagtaya ng mga gastusin…” May dagdag pa ito sa susunod!

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page