top of page

DFA officials sa plunder raps, kinilala

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 29, 2015
  • 2 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

SAME-SEX UNION INIHULA NA NOON PA MAN: “Same-sex marriage? Pagkilala na ang lahat ay may karapatang lumigaya? Well, ang panahong inihula ng mga pantas noong mga naunang panahon, kung saan ang mga tao ay magiging mapagmahal na lamang sa kanilang mga sarili, ay dumating na nga ngayon!

Binabati ko ang mga kumilos upang magkatotoo ang mga ito, dahil pinatunayan nila ang katotohanan ng nasabing mga hula! Ngayon, ang pinakamatinding hula sa lahat ng mga hula ay lalo lamang napatotohanang magaganap na nga! Mag-isip, at maghanda na ngayon, habang may panahon pa!

Sa mga interesadong malaman kung ano ang hula, ganito po ang sinabi: “sa mga huling araw, magkakaroon ng kahirapan. Ang mga tao ay magiging mapagmahal sa kanilang mga sarili at sa pera, mayabang, mapag-mataas, suwail sa mga magulang, ingrato, di nagmamahal, mapanirang-puri, walang pagtitimpi, marahas, traydor, at nagmamahal ng kasiyahan ng di nagmamahal sa Diyos.”

-ooo-

DFA OFFICIALS SA PLUNDER RAPS, KINILALA: Ilalabas na po natin ang mga huling bahagi ng hablang plunder at katiwalian na isinampa sa Ombudsman ni Reynaldo Joson, ang dating pinuno ang Hygiene and Sanitary Unit ng Department of Foreign Affairs (DFA), laban sa mga matataaas na opisyales at mga ambassador ng nasabing ahensiya na sangkot diumano sa di maayos na paggamit ng P5 bilyong taunang pondo para sa repair at maintenance ng DFA.

Ang mga huling bahaging ito ng salaysay ni Joson ay naglalaman na ng mga pangalan ng mga DFA officials na kanyang hinabla: “U/Sec. Frank Ebdalin-dating undersecretary for Administration, DFA, na siyang nag-a-apruba ng lahat ng mga kontrata. Iniulat sa kanya ang lahat ng mga problema/anomalya na kinasasangkutan ng JD Legaspi Construction pero di siya kumilos kailanman.

“Amb. Mary Jo B. Aragon-ang Senior Special Assistant to the Office of the Undersecretary for Administration, na nakatanggap din ng mga memos ukol sa problema/anomalya na ipinadala ko kay U/Sec Ebdalin. Alam niya ang mga problema/anomalya sa DFA.

-ooo-

DFA OFFICIALS, DI KUMILOS SA PLUNDER: “A/Sec. Wilfredo Santos-ang pinuno ng Consular Office na nag-akusa sa akin ng diumano ay walang pahintulot na pag-apruba ng mga passport applications, kasama na ang diumano ay pagpo-proseso ng mga aplikanteng di kuwalipikado para sa courtesy lane, at falsification of public documents.

“Amb. Jaime Victor Ledda- special assistant to the Office of the Administration. Alam din niya ang mga problema sa mga proyekto, dahil nakatanggap siya ng lahat ng aking mga memos para kay U/Sec. Frank Ebdalin. Hindi din siya kumilos sa mga proyektong ibinigay sa JD Legaspi.

“Consul Enrico Fos-special assistant to the Office of the Administration, na nakakaalam din ng mga proyekto. Tumanggap din siya ng aking mga memos para kay U/Sec. Frank Ebdalin, pero di din siya kumilos laban sa JD Legaspi Construction Corporation…” Ilalabas po natin ang nalalabing bahagi ng habla ni Joson sa susunod.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page