top of page

Opisyales ng DFA, kopo mga proyekto?

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

MAKAKATOTOHANAN BA SI AQUINO SA BINAY RESIGNATION? Nagsasabi ba ng totoo ang Pangulong Aquino noong itanggi niyang di niya alam ang dahilan kung bakit nagbitiw si Vice President Jejomar Binay mula sa Gabinete? Ang maikling sagot: hindi po siya nagsasabi ng totoo. Tunay nga, alam ni Aquino kung bakit nagbitiw si Binay, at bumanat ito sa gobyerno sa talumpating nagdetalye ng korapsyon sa ilalim ni Aquino.

Sa totoo lang, ang bawat Pilipinong marunong mag-isip ng mahusay ay nakakaalam kung bakit nagbitiw si Binay. Ngayon, kung sinabi ni Aquino na di niya alam kung bakit nagbitiw si Binay, nagpapakatotoo lang naman ang Pangulo---di makatotohanan, mapag-iwas, at di niya kayang tanggapin ang mga kamalian niya.

-ooo-

BINAY NAGBITIW, DAHIL SA PANINIRA SA KANYA: So, bakit nga ba nagbitiw si Binay? Well, sino ba naman ang di magbibitiw kung ang bawat importanteng opisyal ng pamahalaan, kasama na ang mga kaalyado ni Aquino sa ibang mga partido, ay nagsisibanat kay Binay ng kaliwa’t kanan, at nagsusulong ng kampanya upang siya ay sirain ng lubusan?

Mag-u-umpisa at susulong ba naman ang kampanyang ito ng paninira na ang layunin ay madiskaril ang pagkakandidatong pangulo ni Binay kung walang pahintulot si Aquino? Naku naman, Mr. President! Kaya di bumanat noon si Binay, sa kabila ng matindi at tuloy-tuloy na paninira sa kanya, dahil isinaalang-alang niya ang kanyang relasyon sa pamilyang Aquino. Pero, may hangganan ang lahat, lalo na kung nililitson ka na ng buhay!

-ooo-

KARAGDAGANG KUWESTIYONABLENG DFA DEALS: Ituloy po natin ang pagpapalabas ng iba pang bahagi ng plunder complaint na isinumite sa Ombudsman ni Reynaldo Joson, dating division chief ng Department of Foreign Affairs (DFA), laban sa mga opisyales at mga ambassadors ng DFA kaugnay ng P5 bilyong taunang pondo ng ahensiya para sa repair at maintenance. Basahin po natin:

“Repair at rehabilitasyon ng DFA Building Power Center, sa halagang Php4,256,000.00, na kinontrata ni Engr. Mario N. Chan; pagpapalit ng kasalukuyang e-passport system, sa halagang Php1,504,937.49, na kinontrata ng Office of Fiscal Management, DFA.

“Car rental para sa mga napapaborang mga empleyado, kung saan nagbayad ang DFA ng Php2,000.00 per day, at dagdag na Php10.00 kada sobrang isang kilometro; gastos ara sa Career Minister Examination, sa halagang Php4,434,702.00, na kinontrata ng AIM; 2014 Foreign Service Officer Qualifying Test, sa halagang Php1,698.675.00; at Board of Foreign Service examination sa halagang Php15,000,000.00.

-ooo-

DFA OFFICIALS, KOPO MGA PROYEKTO? “Repair at rehabilitasyon ng dalawang elevator units sa DFA South Wing Annex Building, sa halagang Php9,250,000.00, na kinontrata ng Hyatt Elevators and Escalators; outsourcing ng passport encoders para sa Regional Consular Office, sa halagang Php18,337,506,60, na kinontrata ng DBP Service Corporation.

“Mula sa lahat ng ito, maliwanag na kinokopo ng mga DFA officers para sa kanilang sarrili ang mga malalaking kontrata, sa pakikipagsabwatan ng mga pribadong kontratista. Ang mga proyekto ay madalas pang over-budgeted, o re-budgeted, o panakip-butas lamang…” May dugtong pa ito!

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:
No tags yet.
bottom of page