top of page
Search

DFA P5B fund sa mga di-gumaganang proyekto

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 23, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

KAMANGHA-MANGHANG PANANAMPALATAYA SA GITNA NG UNOS: Isang maikling kuwento ng makapangyarihang pananampalataya sa Diyos ng isang residente ng Pateros ang isinulat ng de-kalibreng negosyanteng taga Metro Manila, si G. Alvin Lacambacal (kasama kong naglingkod bilang Leader President ng Rotary International District 3810 noong Rotary Year 2006-2007 si Alvin, sa ilalim ng inspiradong pamumuno ng noon ay Gov. Lyne Abanilla ng Manila Bulletin)

Basahin po ninyo ito, at baka pati kayo ay mapaluha din, gaya ng nangyari sa akin: “Junio 22, alas 5:43 ng hapon: Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan, nasa gitna kami ng kanyang tupok na tupok na bahay. Sa gilid ng munisipyo ng Pateros, doon kami nag-usap at naghuntahan. Balot ng maitim na alikabok mula sa uling ang aming company driver, ngunit mararamdaman sa kanyang tinig ang karangalan sa pagsasabing ang nakita naming nagpapala ng mga dumi ay ang kanyang dalawang anak na babae.

-ooo-

SIMPLENG TAO, MAIGTING NA PANANAMPALATAYA: “Mabuti na lamang at nagmana sila sa kanilang ina, wika ko. Ninais ko kasing tingnan ang kanyang pananaw. Napahalakhak siya. Buong tining. Lahat pa naman ng ari-arian ng kanyang pamilya, maliban na lamang sa mga damit na suot-suot nila, ay naabo. Pero, sinsero ang kanyang katuwaan. Sinadya kong magtagal ng konti doon, dahil nararamdaman kong kailangan niyang isiwalat ang kanyang emosyon.

“Medyo naging seryoso siya, at nagsabi, `Sir, kanina nga po umiiyak ang asawa at mga anak ko. Sabi ko huwag na silang umiyak kasi ito ang kaloob ng Diyos sa atin’. Payak at simpleng pananampalataya mula sa mga simpleng tao, sa harap ng matinding trahedya. Minsan, mas nakakapagbigay-inspirasyon sa akin ang mga taong ito,

kaysa sa mga sinasabing marurunong.”

-ooo-

“P5 B DFA FUND GINASTOS SA MGA DI GUMAGANANG PROYEKTO”: Sa araw na ito, basahin po natin minsan pa ang iba pang bahagi ng hablang plunder at katiwaliang isinumite sa Office of the Ombudsman ni Reynaldo Joson, ang hepe ng Hygiene and Sanitary Unit ng Department of Foreign Affairs (DFA), laban sa ilang matataas na opisyales at mga ambassadors ng DFA, kung saan sangkot ang P5 bilyon pondo ng nasabing ahensiya. Basahin po natin:

“7. Sa aking pag-aaral, ang malaking bahagi ng taunang maintenance budget ng DFA sa halagang P5 milyon na ginugol nito para sa mga di-gumagana o di-napapakinabangang mga proyekto ay masyadong mabigat na pasanain ni Juan Dela Cruz (o ng sambayanang Pilipino).

“8. Ang mga problemang ito ay maaaring sabihing nag-ugat sa mga gawaing di maayos ng mga nakahablang mga opisyales ng DFA, na siyang nabigyan ng tungkuling pangasiwaan ang nasabing mga proyekto na pinondohan ng gobyernong nasyonal.

-ooo-

DFA WHISTLEBLOWER TINANGGAL SA PUWESTO: “9. Ang mga katiwaliang ito ay maayos namang naiulat noon pa man kay U/Sec. Franklin Ebdalin at sa iba pang mga opisyales, na siyang nakahabla na ngayon. Dahil diyan, akong naghabla sa kanila ang siya pa ngayong kanilang pinagagalitan, at inatasang manahimik na lamang, kasama ng bantang ako ay papatayin o tatanggalin sa serbisyo.

“10. Dahil sa aking ulat, ako ay tinanggal sa aking posisyon bilang pinuno ng Sanitary and Hygiene Unit ng DFA, at itinalaga na lamang bilang isang consular employee sa Philippine Embassy sa Japan, na ang maliwanag na layunin ay alisin ako sa puwesto upang di ko na makita ang ginagawa ng mga makapangyarihang opisyales ng DFA…” May dugtong pa po ito!

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page