top of page

Salaysay sa plunder raps vs. DFA offcials

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

SALAYSAY SA PLUNDER RAPS VS. DFA OFFICIALS, UNANG BAHAGI: Dahil sa maraming tanong ukol sa kasong plunder at katiwaliang isinampa sa Ombudsman ni Reynaldo Joson, ang hepe ng Sanitary and Hygiene Unit ng Department of Foreign Affairs (DFA), laban sa mga kasama niyang matataas na opisyales at mga ambassadors ng kanilang ahensiya kaugnay ng halos P5 bilyong pondo para sa taunang gastusin sa repair, nagpasya akong ilabas na lamang ang salaysay ni Joson dito.

Naririto po ang unang bahagi ng reklamo na isinampa ni Joson noong Junio 16, 2015: “Ako, si Reynaldo Joson, nasa wastong gulang, at nanunungkulan sa Department of Foreign Affairs, DFA Head Office, Roxas Boulevard, Pasay City, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas, ay nagsasaad:

“Isinasampa ko ang mga reklamong administratibo at kriminal laban sa mga Respondents na sa ngayon ay opisyales ng (DFA), at laban sa ilang kontratista… dati akong empleyado ng Asian Development Bank (ADB) bilang building maintenance head. Matapos mabili ng DFA ang ADB Bldg., pinangalanan niya itong Department of Foreign Affairs (DFA) Head Office.

-ooo-

SPECIAL ASSIGNMENT SA WHISTLEBLOWER: “Ako na siyang nagrereklamo dito ay sumusunod sa mga batas, at nagbabayad ng buwis… 1. Noong taong 1995, naitatag ng DFA Engineering Department ang kanyang Sanitary and Hygiene Unit, kung saan ako ang naitalagang pinuno.

“2. Bilang pinuno… ang ilan sa aking mga tungkulin ay ang mga sumusunod: Manmanan ang mga kontratista sa mga janitorial services, upang laging malinis ang kabuuan ng DFA building.

“Upang pamahalaan ang pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng DFA Head Office, at gumanap ng iba pang mga gawain na ipag-uutos ng pinuno ng Building Administrative Office. 3. Noong taong 1995, inatasan ako ni U/Sec. for Administration Franklin Ebdalin na gampanan ang ilang special assignments:

-ooo-

P5 BILYON SA DFA PLUNDER CASES: “(a) Obserbahan at mag-ulat sa pagganap ng mga sub-contractors ng DFA projects, gaya ng building renovation at improvement, at mag-ulat ng anumang anomalya sa pagsasagawa ng kanilang mga trabaho.

“Maliban sa mga gawaing ito, itinalaga din ako bilang project coordinator ng Foreign Affairs Ladies Foundation (DFALAF) na noon ay pinamumunuan ni Kay Siason, ang asawa ng noon ay Ambassador Domingo Siason. Bilang Project Coordinator ng DFALAF, pinamahalaan ko ang pagpapaganda ng building ng DFA sa tulong mga kontratistang kausap ng DFALAF.

“4. Batay sa mga espesyal na gawaing ito, nadiskubre ko ang mga anomaly ng mga contractors at mga sub-contractors… Hawak ang nakatalagang gastusin sa halagang P5 bilyon para sa ilang taon ng iba’ibang mga proyekto, ibinigay ng mga inihablang DFA officials ang lahat ng ito sa mga kontratista…” Abangan po ang mga susunod pang bahagi ng affidavit ni Joson.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:
No tags yet.
bottom of page