top of page
Search

Detalye ng P5 B plunder case vs. DFA officials

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 16, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, kasapakat ng mga mandarambong…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

P5 B PLUNDER CASE VS. DFA OFFICIALS: Ano kaya ang sasabihin ng Pangulong Aquino sa mga akusasyong ang ilang matataas na opisyales at mga ambassador ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ilalim ng kanyang pamumuno ay sangkot sa maanomalyang paglustay ng taunang pondo nito, sa halagang P5 bilyon, para diumano sa mga kuwestiyonableng mga pagawain at proyekto na daan-daang milyong ang halaga?

Sa reklamong plunder o pandarambong na isinampa at ngayon ay nakabimbin na sa Office of the Ombudsman, kinilala ang complainant na nagsampa ng kaso na si Reynaldo Joson, ang pinuno ng Sanitary and Hygiene Unit ng DFA.

Sa kanyang labinlimang pahinang reklamo, nagbigay si Joson ng detalye ng mga maanomalyang proyektong pinondohan ng milyones ng DFA: pagsasaayos ng bubong ng DFA, P120 milyon; renovation ng auditorium, P200 milyon; water proofing ng DFA roof deck, P45 milyon; pagpalit ng asbestos ceiling tungo sa Hardiflex ceiling, P100 milyon; pagpalit ng central air conditioning system, P200 milyon; pagsasaayos ng hagdanan, P10 milyon; pagpapalit ng fire alarm system, P20 milyon, at renovation ng iba’t ibang bahagi ng DFA, P20 milyon.

-ooo-

DETALYE NG DFA PLUNDER CASE: Naririto ang ilang detalyeng ibinigay ni Joson upang patunayan ang kanyang paratang na plunder laban sa mga DFA officials at ambassadors: para sa P120 milyong renovation ng bubong ng DFA, “ang mababang kalidad ng trabaho ng kontraktor at mahinang klaseng pamamahala ang naging dahilan ng water leak ng DFA building.

“Habang dumadami ang tubig na naiimbak, bumagsak ang bubong. Di nakayanan ng suporta sa bubong ang dami ng tubig, kaya tuluyan na itong bumagsak. Mabuti na lamang at walang… gawain noon sa Auditorium… kahit na halos buong bubong ng DFA ang bumagsak,” dagdag pa ni Joson.

Tapos, “bagamat may warranty pa noon ang renovated roof at auditorium, kumuha ng ibang contractor si U/Sec. Franklin Ebdalin upang gawin ang nasirang ceiling, kasama ang repair para sa water leak. Hindi man lamang nila hiningi ang warranty.”

-ooo-

FAVORED CONTRACTOR SA DFA? Sa pagsasaayos naman ng DFA auditorium na ginastusan ng P200 milyon, sinabi ni Joson na ang mga inihabla niyang mga opisyales ng DFA sa Ombudsman “ay di kumilos laban sa contractor at, sa halip, kumuha sila ng iba pang contractor upang gawin ang kaukulang pagsaayos o repair, dahilan upang bumili silang muli ng bagong floor carpet…”

Sa kaso ng pagpapalit ng DFA centralized air conditioning system na nagkakahalaga ng P200 milyon din, ang isang contractor na nakakakuha ng iba pang milyon-milyong proyekto sa DFA ang “siya na namang kinuha para palitan ang air conditioning system. Bumili sila ng bagong mga gamit, pero di naman operational ang mga ito.”

“Hanggang sa ngayon, ang brand new centralized air conditioning system na inilagay ng (dating contractor) siyam na taon na ang nakakaraan ay brand new pa din, pero di nga magamit,” sabi din ni Joson. May dagdag pa po ito sa susunod, God willing.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page