top of page
Search

Pagkaing may uod: bago ba ito?

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 12, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Puksain ninyo, kung ganoon, ang anumang may kinalaman sa inyong makalupang kaisipan: immoralidad, kahalayan, masamang nasa ng laman at kasakiman…” (Colosas 3:5, Bibliya).

-ooo-

PAANO TATANGGALIN ANG BATO SA APDO NG WALANG OPERASYON? Eto po ang isang artikulo sa Facebook ukol sa bato sa apdo: “Bato sa apdo, pagtunaw sa natural na paraan: Iwasan niyon kumain ng mamantikang pagkain. Isa sa dahilan ito ng pagkakaroon ng bato sa ating apdo. Ito ang ginawa ng mga tita ko, at binigyan ng seryosong panahon at naging matagumpay nga naisama ang mga maliliit na bato sa pag-ihi at pagdumi dahil sa pagtatae ng mga oras na yun.

“Ang kadalasang nagkakaroon ng sakit na bato sa apdo ay mga kababaihan, o di kaya’y mga babaeng malusog ang pangangatawan at mga mabilis magpapayat, at mga babaeng umiinom ng hormonal na gamot, at mga kasalukuyang nasa reproductive age o yugto na maaari pang magdalantao. Subalit, maaari ring magkaroon ng bato sa apdo ang mga kalalakihan.

“Lahat tayo ay may bato, na maaring maliit o malaki, marami o kokonti. Ang isa sa tanda ng pagkakaroon ng gallstone ay ang pagkakaron ng damdamin na para tayong lobo pagkatapos kumain nang marami. Parang hindi mo matutunaw ang kinain mo. Kapag nagiging seryoso, makaramdam ka ng matinding sakit sa lugar na kinarororonan ng atay,”

-ooo-

PROSESO NG PAG-ALIS NG BATO SA APDO SA NATURAL NA PARAAN: “Ang payo ng isang doctor na may sampalataya sa natural na paraan ng pagpapatanggal ng bato ay ang mga sumusunod: Una, sa unang limang araw, uminom ng apat na baso ng apple juice o kaya ay kumain ng limamg mansanas. Pinalalambot ng apple juice ang mga gallstones.

“Sa ika-anim na araw, huwag kumain ng hapunan. Sa alas 6 ng gabi sa araw na iyon, uminom ng isang baso ng maligamgam na tubig na may isang kutsarita ng Epson salt (o magnesium sulphate). Pagsapit ng alas 8 ng gabi, muling gawin ito. Binubuksan ng magnesium ang ducts ng gallbladder.

“Pagsapit ng alas-10 ng gabi, paghaluin ang kalahating tasa ng olive oil (o sesame oil) at kalahating tasa ng fresh lemon juice. Haluing mabuti at saka inumin. Ang langis ng olive oil ay pinadudulas ang mga bato upang mas madaling makalabas. Kinaumagahan ay makikita ang mga berdeng bato sa stool.” Ano kaya ang masasabi ng mga kaibigan kong duktor sa bagay na ito? Walang mawawala kung susubukan ito, di ba? Lalo na kung kapos sa pera para sa isang operasyon!

-ooo-

PAGKAING MAY UOD: BAGO BA ITO? Nakita ba ninyo ang mga litrato sa Facebook ukol sa isang lata ng tuna flakes na naglalaman ng mga puting uod? Marami ang nasuka sa kompanyang may gawa ng nasabing tuna flakes pero, alam kong nagaganap talaga ang ganitong mga pangyayari. Sa buhay ko bilang abogado na tumutulong sa mga mahihirap na walang perang ipambabayad sa mga abogado, nakita ko na ang mga produktong may uod.

Sa katunayan, nasuspindi na nga ako sa pagiging abogado sa loob ng tatlong taon dahil sa aking pagtanggi (ayon sa Korte Suprema) na tumahimik na lamang ukol sa mga produktong pagkain na naglalaman ng mga buhay na uod, na nakain pa ng mga naengganyong bumili sa nasabing mga produkto dahil sa murang bayad sa mga ito.

Tunay nga, paaano bang ang isang gaya ko ay tatahimik na lamang ukol sa banta sa kalusugan ng sambayanan gaya nito? Ano ang mas mahalaga, ang reputasyon at negosyo ng isang gumagawa ng mga produktong pagkain na kinakitaan ng mga uod, o ang kalusugan ng mga tao, lalo na ang mga mahihirap na Pilipino na bibili sa mga produktong ito na mababa ang bayad dahil sa ito ang kaya nilang bilhin?

-ooo-

MILYONG DAHILAN UPANG TUMAHIMIK: Namamangha ako na ang ganitong kabalbalan ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Bunga lamang ito marahil ng palpak na proseso ng paghahanda sa pagkain, o dahil sa kapabayaan ng mga opisyales ng gobyerno na nabigyan ng tungkuling siguraduhin ang kaligtasan mula sa mga pagkaing gawa ng mga food processors. O, baka naman may milyong dahilan kaya tahimik ang mga opisyales na ito?

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page