top of page
Search

Con-ass, di dapat pagbotohan ng hiwalay

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 12, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay di mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan…” (Juan 3:16, Bibliya).

-ooo-

CHACHA SA CONSTITUENT ASSEMBLY, DALAWANG PANANAW: Tila ba nagkakaisa sa kanilang pananaw itong sina dating Chief Justice Reynato Puno at San Beda College of Law Dean Fr. Ranhillo Aquino na may pinagsama-samang pagkakamali ang mga lalaki at babaeng gumawa ng Saligang Batas ng 1987 kaya naman di nila naisaayos ng mabuti ang mga bahagi nito ukol sa amiyenda ng anumang probisyon nito ayon sa constituent assembly o botohan ng mga mambabatas.

Sa kanilang mga pahayag sa publiko, ipinaliliwanag ni Puno at Aquino na noong isapinal na ng 1986 Constitutional Comission ang pagkakaroon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, naisinantabi ang unang panukalang isang kapulungan lamang ang Kongreso bagamat nakalimutan daw palitan naman ang artikulo doon ukol sa pagbabago ng Konstitusyon batay sa pagkilos ng Kongreso.

Dahil diyan, sinasabi nilang dalawa na kung magkakaroon man ng Chacha ngayon upang palitan ang mga economic povisions ng Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent assembly (o con-ass), kailangan itong gawin ng hiwalay ng dalawang kapulungan ngayon ng Kongreso, kung saan ang bawat isa sa kanila ay kailangang makakuha ng botong ¾ ng mga kanya-kanyang miyembro.

-ooo-

CHACHA SA CON-ASS, PAGBOBOTOHAN NG SABAY: Mawalang-galang na po pero di po ako sang-ayon dito. Sa aking pananaw, ang pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagitan ng con-ass ay mangangailangan lamang ng sabay na botohan ng mga kongresista at mga senador sa iisang pagpupulong, at hindi hiwalay gaya ng ipinapanukala ni Puno at Aquino.

Ang unang batayang legal sa pananaw na ito ay makikita sa batas na nagsasabing “kung ang batas ay di nagtatakda ng paghihiwalay, di din dapat maghiwalay ang sinuman sa anumang sitwasyon” (sa English, where the law does not distinguish, we must not distinguish).

Dahil ang Konstitusyon mismo ang nagsasabing ang botohan ay dapat gawin ng Kongreso ng walang itinatakdang klaripikasyon kung ang “Kongreso” bang ito ay iisang grupo lamang o sa kanyang dalawang kapulungan, ang pananaw ng batas ay nagsasabing ang botohang sinasabi doon ay sa iisang Kongreso lamang, sa sabay na pagpupulong ng Kamara at Senado.

-ooo-

1986 CON-COM, ALAM ANG KANYANG GINAWA: Pangalawa, isa ng matibay na alituntunin sa bansang ito ang katotohanang ang mga opisyal ng gobyerno na binigyan ng gawain ayon sa kanilang mga posisyon ay kumilos at tumupad sa kanilang tungkulin sa maayos na kaparaanan, at yon sa batas. Ang tawag dito sa English ay “presumption of regularity of the performance of official functions.”

Dahil iyan ang batas dito, dapat natin itanghal na noong inaprubhan ng 1986 Constitutional Commission ang panukalang Saligang Batas na naglalaman ng kautusang ang Kongreso lamang ang may kapangyarihang mag-amiyenda ng Konstitusyon sa pamamagitan ng con-ass, alam nila ang kanilang ginawa at naiintindihan nila ang kahulugan nito.

At dahil di sinabi ng Commission, sa final draft ng 1987 Constitution, na ang pagboto ng mga pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng con-ass ay dapat isagawa ng dalaang kapulungan sa hiwalay na botohan, naaayon sa batas kung sasabihin natin na walang hiwalay na botohan ang kailangan para sa Chacha.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page