top of page
Search

DFA official: uusigin ang mga korap

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 8, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang inyong mga pinuno ay mapanghimagsik, at kasabwat ng mga magnanakaw; nahuhumaling sila sa mga suhol, at lagi na silang naghahanap ng lagay…” (Isaias 1:23, Bibliya).

-ooo-

REAKSIYON, DUMAGSA SA DFA PLUNDER RAPS: Dumagsa ang reaksiyon sa ating kolum ukol sa paghingi ng tulong sa akin upang usigin ang ilang matataas na pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nauna ng sinampahan ng kasong plunder o pandarambong ng milyon-milyong pondo ng DFA sa Ombudsman. Ang mga nag-react ay nagsasabing kalimutan ko muna ang pakikipag-kaibigan ko sa mga akusado, at tumulong laban sa korapsiyon.

Una dito ang reaksiyong galing kay Gng. Estela Mauricio Inog, kapatid ng aking ama: “Gaano ba kalalim ang pinagsamahan ninyo ng mga schoolmates mo? If you were in their shoes, do you think tutulungan ka rin ba nila? Naging loyal, tapat ba sila sa iyo ng magkaroon ka ng sarili mong krisis sa buhay? Ano ang mga pabor na naibigay nila sa yo?

“Yung human relationships na na-establish mo sa mga taong ito, naging foundation ba sila kung ano ka, at sino ka ngayon? Hindi ba gaya mo ay nanumpa din sila to defend and uphold the Constitution and the laws of the land? Kung sakaling pumanig ka sa mga would-be state witnesses, sigurado maiintindihan ka ng mga former schoolmates mo. Its `trabaho lang walang personalan’, so to speak…”

-ooo-

DFA OFFICIAL: UUSIGIN ANG MGA KORAP: Mula naman ito kay Ambassado Eduardo De Vega, assistant secretary ng DFA: “Bilang bahagi ng DFA, balita nga ito sa akin. Bilyong pisong pondo sa plunder? Dapat ay ipinaparating sa akin ang ganitong mga kaso bilang Assistant Secretary for Legal Affairs. Ang mga kaso sa Ombudsman na alam ko, ay laban sa mga DFA officials dahil di nila nagampanan ang kanilang mga gawain (halimbawa, dahil di tumulong sa mga OFWs), pero di korapsiyon. Wala kaming bilyones upang i-plunder.

“Marahil, ang mga nagrereklamong ito ay mga retiradong opisyales ng DFA na nag-aalburoto dahil mayroong mga opisyales ng DFA na pinayagang magpatuloy sa trabaho bagamat lagpas na sila sa edad? Mayroong isang kaso nga ng pluderr, pero ang ginawa lamang niya ay patuloy na tumanggap ng sahod at mga allowances bilang nakaupong Ambassador ng DFA.

“Pareho tayong Sigma Rhoan, pero mayroon namang panunumpa ang mga abogado. Kaya’t hahayaan ko sa iyo kung ibabahagi mo sa akin ang isinulat mo, kung akala mo ay dapat. Maaari kong linawin ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ngayon, kung totoo ngang may mga opisyales ng DFA na ganito ang gawain, ang tanggapan ko ang maghahanda ng mga kasong administratibo laban sa kanila. Salamat, senior brod!”

-ooo-

“BUSISIIN PA ANG DFA SCAM”: Mula kay Ricado Tambong, kasama ko sa Facebook group na “Perlas ng Silangan Militant Group”: “Sige po, tulungan ninyo, at kalkaling maiigi para sa Sambayang Pilipino. God bless.”

Mula kay Raul J. Barbasa, isang ekonomista mula sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City: “Go, go, go! Di natin pupuwedeng patawarin na lamang palagi ang mga katiwalian, hahayaang di maparusahan.” Mula kay Mindanao broadcaster Joseph Vince Lago Melecio: “Ang katotohanan ang dapat mamayani Attorney. Kung kailangangn putulin ang sungay nila, gawin mo na”.

At mula kay Amelia Sotto Santos, Lucy Torres Capuchino, Josie Madriaga, Josefina Edita Flores Mata at maraming iba pa, kasama na ang ating regular na kritiko sa isang Internet group, si Ben Rivera, ang reaksiyon nila ay pareho din: ituloy ang mga kaso (pero, sabi ni Rivera, ibang abogado ang dapat humawak). Dahil sa lahat ng ito, ang pasya ay ito: isulong ang plunder case laban sa mga DFA officers. Pagpalain tayo ng Diyos!

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, isang Bible study at prayer session sa radyo, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page