top of page
Search

Broadcast na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Jun 6, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ipangaral niyo ang Salita, napapanahon man o hindi…” (2 Timoteo 4:1-2, Bibliya).

-ooo-

“ANG TANGING DAAN” BROADCASTS NAGPAPATULOY NA: Dahil lamang sa malaking pagpapala at awa ng Diyos, ang pagsasahimpapawid ng programang “Ang Tanging Daan” ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) sa radyo at sa Facebook ay nagpapatuloy na sa ngayon, at nakasentro sa mga pruweba sa Bibliya na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas.

Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, kasi noong Biyernes, Junio 05, 2015, umere na ang labinlimang tigta-tatlumpong minutong broadcasts ng “Ang Tanging Daan” sa DWAD, isang AM radio station na mapapakinggan sa 1098 kHz, Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Labing-apat sa labinlimang broadcasts na ito ang naka-post na at maaari ng mai-replay o mapakinggang muli sa Facebook, sa mga FB pages na tinatawag na “Ang Tanging Daan” at “Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo”. Sa aking pang-unawa, kung gusto ninuman na mapakinggan ang mga nasabing broadcasts sa Facebook, kailangang i-like lang muna nila ang mga FB pages na ito.

-ooo-

MGA REAKSIYON SA BROADCAST, KAILANGAN NAMIN: Magkaganunman, inaanyayahan ko po ang lahat ng ating mga tagasubaybay sa kolum na ito na samahan po kami sa araw-araw naming pagsasahimpapawid sa DWAD, o sa pamamagitan ng pagla-log on sa Facebook pages na “Ang Tanging Daan” at “Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo” at pagkatapos ay pagre-replay ng mga broadcasts. Kailangan po namin ang inyong mga reaksiyon.

Para sa mga mahahabang reaksiyon, ipadala po ninyo ito sa aking mga email addresses, batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com, or melaniolazomauriciojr@outlook.com. Lahat po ng reaksiyon ay tinatanggap namin, pero mas masisiyahan kami kung ukol ito sa isyu ng pagiging Diyos at Tagapagligtas ni Jesus.

Pasasalamatan din po namin ang reaksiyon, komentaryo at mga kalatas ukol sa kung papaano maisasa-ayos pa ang programa, lalo na sa estilo nitong “talakayan at diskusyon” sa pagpapaliwanag sa mga paksang pinag-aaralan. Marahil, ang iba pang mga Kristiyano ay makakapagbigay ng suhestiyon kung papaanong ang ibang mga mananampalataya ay maisasama sa palatuntunan.

-ooo-

PAGPAPALAGANAP NG KATOTOHANANG SI JESUS ANG DIYOS: Naniniwala po ang AND KNK na ang pagsasagawa ng mga broadcast na ito at ang paglalagay ng mga ito sa Facebook ay pagtupad, gaano man kaliit, sa kautusan ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, na ibinigay Niya sa mga alagad sa Mateo 28:19-20.

Paraan din ito ng pagsasanay upang maging disipulo ang mga ordinaryong lalaki at babae, at maging ang mga taong di nakapag-aal ng pormal. Naniniwala ang AND KNK na maging ang mga walang pinag-aralan, maliliit, at mga mahihirap na walang-wala sa buhay, ay maaaring magpahayag ng katotohanang si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas.

Oo naman, kumikilos na din ang kaaway ng Diyos upang pigilan ang gawaing ito ng AND KNK sa pamamagitan ng pagbibigay sakit at suliranin sa mga kamag-anak at sa mga kasapi mismo ng Simbahang ito. May suliranin din sa perang pambayad sa broadcast pero, kung ang Diyos ay panig sa atin, at kung ito ay tunay na gawain para sa Kanya, walang makakapigil sa amin. Amen!

-ooo-

PANALANGIN AT SUPORTA HINILING: Kailangan po namin ng tulong sa mga broadcast na ito, di lamang mula sa mga kasapi ng AND KNK, pero mula sa lahat ng iba pang mananampalataya na naniniwalang si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas. Kaya hinihingi po namin ang panalangin para sa AND KNK, at, kung kaya po ninyong magbigay ng tulong sa mga bayarin sa broadcasts, tawag po kayo: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0922, 833 43 96. Email: batasmauricio@yahoo.com. Pagpalain tayo ng Diyos?

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Коментарі


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page