top of page
Search

CHED, profit participation, sa mga kolehiyo

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 29, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay nananatili habang panahon sa mga may takot sa Kanya. Ang Kanyang pagliligtas ay nararanasan ng mga kaapu-apohan ng mga tapat at sumusunod sa Kanyang mga kautusan!” (Awit 103:17-18, Bibliya).

-ooo-

NANGONGOLEKTA PA BA ANG CHED NG “PROFIT” SA MGA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE? Ilalabas ko pong muli ngayon ang mga naisulat ko ng artikulo ukol sa pangongolekta ng Commission on Higher Education ng tinatawag na “profit participation” (o “ganansiyang tinatanggap”) mula sa mga tuition at iba pang bayarin ng mga mahihirap na estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad ng gobyerno.

Sa kabila ng mga artikulong ito, at sa kabila ng nagpadala na ako ng sulat sa Commission on Audit (COA), walang paglilinaw na naibigay sa akin, at tila nga walang interesado sa isyu---lalo na sa tanong na ito: “bakit ba nangongolekta ang CHED ng profit participation mula sa mga tuition fees ng mga mahihirap na estudyante gayong kaya sa mga paaralan ng gobyerno nag-aaral ang mga ito dahil nga sa mahirap sila?

Marahil, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit taas ng taas, taon-taon, ang mga bayarin sa mga kolehiyo ng gobyerno, dahilan upang di na makapag-aral tuloy ang mga maraming kabataang Pilipino. Binabalewala lamang ng CHED at ng COA ang mga tanong na ito, pero, dapat ay liwanagin na nila ito ngayon, di ba? Basahin po natin ang mga nauna kong ng naisulat:

-ooo-

CHED “PROFIT PARTICIPATION”, ANO BA ITO? Ano ba ang “profit participation” sa CHED? Ito ang bahagi ng mga matrikulang ibinabayad ng mga estudyante na nag-aaral sa public schools dahil mahihirap lamang sila, na kinukuha naman ng mga CHED officials ng wala namang espesyal na dahilan kundi ang kanilang pagiging opisyales ng CHED.

Kung titigilan lamang ng mga CHED officials ang pagtanggap ng “profit participation”, hindi na poproblemahin ng mga state colleges and universities ang mga budget cuts kasi malaki ang matitipid ng mga eskuwelahang ito kung hindi na binabayaran ang “profit participation” sa CHED, daan upang ang matitipid sa budget cuts ay magamit naman para sa ibang mga serbisyo ng gobyerno.

-ooo-

MALACANANG, CONGRESS, & COA, DAPAT SILIPIN ANG “PROFIT PARTICIPATION”: Minsan pa, inuulit ko ang aking hiling para sa Malacanang, sa Kongreso at maging sa Commission on Audit na silipin ang mga ulat na ang mga mahihirap na estudyante na napipilitang mag-enrol sa mga state colleges and univesities (SUCs) dahil sa kawalan ng pera para mag-aral sa mga pribadong paaralan ay ginagawang gatasan ng mga opisyales ng Commission on Higher Education (CHED) at ng mga SUCs mismo.

Sinasabi ng mga ulat, na isinulat na natin dito sa mga nakakaraang dalawang taon na, na ang mga opisyales ng CHED at SUCs ay tumatanggap ng mga allowances mula sa mga SUCs na nanggagaling sa mga tuition at iba pang bayarin ng mga mahirap na estudyante bilang “profit participation”.

Ang tanong dito, na nagiging mahalaga na naman dahil sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Junio 6, 2011, ay ito: bakit ba ang mga mahihirap na estudyante na napupuwersang mag-aral sa mga paaralan ng gobyerno dahil sa kahirapan ay kailangang magbigay ng kanilang pera sa mga taga CHED at SUCs?

-ooo-

PANGUNGULEKTA NG CHED NG “PROFIT PARTICIPATION FEE”, NAKAKASUKA: Ang tunay na nakakasuka sa iyung ito, sa kabilang dako, ay ang desisyon ng mga matataas na opisyales ng Commission on Higher Education (CHED) na kumuha naman para sa kanilang sarili ng “profit participation fees” mula sa mga tuition fees na binabayaran ng mga mahihirap at maliliit na mga estudyante na, dahil sa kahirapan, ay sa mga state colleges and universities na lamang nag-aaral.

-ooo-

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”, programang nagbibigay-kapangyarihan sa araw-araw at ng katiyakan ng kaligtasan sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Bibliya, ay mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi, sa DWAD 1098 kHz sa AM band. Sa mga replays: www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK at hanapin “Ang Tanging Daan” daily broadcast. Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0917 984 24 68. Email: batasmauricio@yahoo.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page