top of page
Search

Tinawag bilang mangangaral sa radyo

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 22, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ipangaral mo ang Salita, napapanahon man o hindi…” (2 Timoteo 4:1-2, Bibliya).

-ooo-

BAGONG GAWAIN: PAGBIBIGAY-KAPANGYARIHAN AT KALIGTASAN SA TAO: Sa mga nasanay po sa akin na nagbibigay ng payong legal sa radyo at sa telebisyon sa pagdaan ng mga taon, nais ko po kayong anyayahang makinig sa isang programa sa radyo na kasama din ako, pero kakaibang payo naman ang ibinibigay sa mga tagasubaybay.

Tinaguriang “Ang Tanging Daan”, ang programang ito ay nagtatampok ng payong espirituwal at mga kaalaman na layuning magbigay kapangyarihan sa tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay, at tiyakin ang kanilang kaligtasan sa buhay na walang hanggan, batay lamang sa nakasaad sa Bibliya. Napapakinggan po ito Lunes hanggang Biyernes, alas 6:30 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi, sa himpilang DWAD, 1098 kHz.

Isinusulong po ang palatuntunang ito ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo, o AND KNK. Ang AND KNK ay Kristiyanong simbahang itinatag sa Pilipinas, at nananampalatayang si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, at Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Layon ng AND KNK na tuparin ang gawain ng Diyos sa huling kapanahunan.

-ooo-

TINAWAG BILANG MANGANGARAL NG SALITA SA RADYO: Kasama sa araw-araw na pagsasahimpapawid sa radyo ang iba pang mga mangangaral ng AND KNK, lalo na ang kanyang Vice Leader Disciple, si Dr. Ronald Pascual, at ang Training Director nito, si Engr. Osmin Joyce Pascual. Ang pangkalahatang pastora ng Simbahan, si Pastora Aida Rabang ng Cuyo Islands, Palawan, ay bahagi din ng broadcast.

Ganundin, nakasama na sa broadcast ang iba pang mga pastor ng Simbahan: sina Pastor Henry Cabanela at Ciony Cabanela ng Manila, Gary Ancero at Esterlita Linga ng Taguig City, Priscilla Del Rosario ng Muntinlupa City, Sarah Saldo ng Caloocan City, at Nimfa Sagun, Evelyn Falcon, Lany Gilongos, Evelyn Gilongos at Nestor Ambay ng Quezon City. Maging ang nag-iisang anak ng mag-asawang Pascual, ang walong-taong gulang na si Raissa Joyce, ay nakakasama na din.

May isang katangiang makikita sa lahat ng mga mangangaral na ito, at ng iba pang mga mangangaral ng AND KNK sa iba’t ibang lugar: bago sila sumama sa AND KNK, kasapi sila ng iba’t ibang mga simbahan, na di nagsugo sa kanila upang ipangaral ang Salita, ang Bibliya. Ordinaryong kasapi sila ng mga dati nilang simbahan. Nakilala nila ang gawain para sa Diyos noon lamang sumama sila sa AND KNK.

-ooo-

PAGPAPAHAYAG NA SI JESUS ANG DIYOS SA RADYO: May mga recording ang araw-araw na pagsasahimpapawid ng “Ang Tanging Daan”, at mai-re-replay po ang mga ito, o mapapakinggang muli, saan mang dako sa mundo, anumang oras. Magtungo lamang po sa Facebook page ng AND KNK ang interesadong makinig. Ang Facebook page ay kilala bilang “Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo”, at may logo na pula at puting krus na magkakapatong.

Pag nasa Facebook na kayo ng “Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo”, i-scroll po ninyo ang pahina ng pababa, at hanapin ang mga nakalagay doon na pinamagatang “Ang Tanging Daan” broadcast. Bawat araw ng broadcast ay may sariling marka. Halimbawa, ang unang araw ng broadcast ay may marking “Ang Tanging Daan: Day 1 broadcast.” Ganun din po ang iba pang araw.

Ang sinumang may tanong, o komento o reaksiyon sa mga tinatalakay sa broadcast, o nagnanais ng prayer request para sa mga layunin, ay maaaring mag-text sa numerong ito: 0922 833 43 96. Tunay nga, nagpapasalamat ang AND KNK sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, sa pagkakataong maipahayag na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po kayo sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page