top of page
Search

Pagbabago ng isip tungo sa tagumpay!

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 19, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan, sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat…” (Filipos 4:6, Bibliya).

-ooo-

ESPESYAL NA DAHILAN SA PAGBABASA NG BIBLIYA: May espesyal na dahilan kung bakit dapat masunod ng mga Pilipino ang mga utos sa Bibliya na magbasa at tumupad ang mga mananampalataya sa Salita ng Diyos, lalo na sa ganitong isinasaad ng Josue 1:8: “Huwag kaliligtaang basahin ang Aklat ng Kautusan, pagbulay-bulayan ito araw at gabi, at maingat na sundin ang mga nakasaad doon; sa gayon, giginhawa kayo at magtatagumpay”.

Ang espesyal na dahilan ay may kinalaman sa papel na ibinigay sa mga Pilipinong tumanggap at sumampalataya kay Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas ukol sa pagtupad sa gawain ng pagpapahayag ng Salita at pagliligtas ng mga kaluluwa, bilang paghahanda sa Ikalawang Pagdating ni Jesus at sa wakas ng daigdig.

Ayon sa Mateo 24, mayroong itinakdang panahon (bagamat hindi pa tinutukoy ang eksaktong araw) sa Ikalawang Pagdating ni Jesus at sa wakas ng daigdig sa pamamagitan ng apoy. Ang Ikalawang Pagdating at ang wakas ng daigdig ay ipapahayag at pangungunahn ng ilang pangyayari gaya ng giyera, taggutom, lindol, kalamidad, nakakatakot na tanda mula sa langit, at paglalaban-laban ng mga pamilya.

-ooo-

PAGBABAGO NG ISIP TUNGO SA TAGUMPAY: Paano naman natin maisasagawa ang “pagbabago ng ating mga isip”? Ayon kay Apostol Pablo, sa Efeso 4:8: “Pangwakas mga kapatid, anuman ang totoo, ang katangi-tangi, tama, dalisay, kaibig-ibig at kapuri-puri---anuman ang mahusay at dakila---iyon ang mga dapat ay iniisip ninyo…”

Ano ang mga bagay na kapuri-puri at dakila na dapat nating iniisip? Una dito ay ang katotohanang si Jesus ay Diyos at Tagapagligtas (basahin ito sa Juan 1:1-14, Isaias 7:14 at 9:6 at Mateo 1:18-25), na labis na nagmamahal sa atin kaya Siya mismo ang bumaba mula sa langit, upang sinuman ang sumampalataya sa Kanya ay di mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:36).

Pangalawa, sinabi din ni Jesus na huwag tayong mag-aalala sa anumang bagay, kahit na ng araw ng bukas, at sa halip, hanapin muna natin ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran, at ibibigay Niya sa atin ang lahat (Mateo 6:25-34), sapagkat magagawa natin ang lahat sa pamamagitan Niya (Filipos 4:13), dahil ang Espiritung ibinigay Niya sa atin ay mas makapangyarihan sa espiritung nasa mundo. Tigilan na ang pag-aalala!

-ooo-

PAG-AALALA, KAWALAN NG TIWALA SA DIYOS: Ngayon, tingnan naman natin ang isyu ng “pag-aalala”. Marami sa atin ang madalas mag-alala, at tila ba ito ay bahagi na ng buhay natin. Nag-aalala tayo sa lahat halos ng bagay. Sa isip natin, walang kaayusan ang lahat. Nag-aalala tayo na wala tayong pera, na di maganda ang ating kalusugan, at nag-aalala din tayo sa ating trabaho at mga pamilya. Hindi ito tama, at di mabuti.

Sa totoo lang, kung nag-aalala tayo, sinasasabi nating wala tayong pananampalataya sa Diyos. Sinasabi nating di kaya ng Diyos na ibigay sa atin ang ating mga kailangan, at di kayang ayusin ng Diyos ang ating mga buhay. Ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at sinasabihan natin Siya na ang Kanyang mga pangako ng pag-ibig, proteksiyon, paggabay at pagpapala ay di totoo, na may mas malakas na puwersa kaysa sa Kanya.

Panahon na upang tigilan natin ang pag-aalala. Panahon na para baguhin natin ang ating mga isip. Ito nga ang dapat nating gawin---ang baguhin ang ating mga isip---gaya ng sinasabi ng Roma 12:2 ng Bibliya. Ayon dito: “Huwag na kayong umayon sa takbo ng mundo, magbago na kayo ng inyong isipan. Doon ninyo makikilala ang kalooban ng Diyos---ang Kanyang mabuti at kasiya-siyang kalooban…”

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) and Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Коментарі


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page