top of page
Search

Bible course sa radyo, umpisa na!

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 15, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sumagot si Jeus, `Ako ang daan at ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung tunay na kilala ninyo ako, makikilala din ninyo ang aking Ama. Mula ngayon, kilala at nakita na ninyo Siya…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 14:6, Bibliya).

-ooo-

IKALAWANG TRAHEDYA SA VALENZUELA FIRE VICTIMS: Tila tinamaan ng pangalawang trahedya ang mga pamilya ng 72 mga manggagawang nasunog ng buhay sa apoy na tumupok sa Kentex factory sa Valenzuela City noong isang araw. Kasi, tila ba inalisan sila ng karapatang magdemanda para sa danyos, mismo ng Office of the President ng Pangulong Aquino.

Bakit ko sinasabi ito? Simple lamang po: gamit ang diumano ay ulat ni Labor Secetary Rosalinda Baldoz, nilinis na ni Communications Secretary Heminio Coloma Jr. ang mga may-ari ng factory, sa pagsasabing nakakasunod naman ang kompanya sa mga panuntunan sa pagawaan at sa kaligtasan ng mga manggagawa na itinatakda ng pamahalaan (na maaaring depensa upang di na sila mademanda ng mga kamag-anak ng mga nasunog).

Wow. Papaano kaya nasabi nina Coloma at Baldoz na nakakatupad naman ang Kentex sa mga umiiral na labor at safety standards kung wala pa namang imbestigasyong isinasagawa sa sunog? Maliwanag, ninais ni Coloma at Baldoz na protektahan ang mga may-ari ng kompanya, laban sa mga biktima ng sunog at ng kanilang mga pamilya. Ang tanong, bakit kaya?

-ooo-

MALACANANG: NAKAKASUNOD SA REGLAMENTO ANG FACTORRY: Pero, siya, sige, pababayaan ko po kayong mga mambabasa ko dito ang magpasya. Eto po ang sinabi ni Coloma sa kanyang email sa mga Malacanang reporrters, kasama si G. Ludovico Somintac ng Radyo Agila (na partner ko naman sa programang “Tambalang Batas at Somintac, sa DZEC 1062 kHz, Lunes hanggang Biyernes, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga):

“Nalulungkot kami sa sunog na tumupok sa isang factory sa Valenzuela City… na naging dahilan ng kamatayan ng maraming manggagawa. Kami ay napagsabihan na ni Secretary Rosalinda Baldoz na ang factory (Kentex) ay naitala ng Department of Labor and Employment na nakatupad naman sa mga reglamento ukol sa kaligtasan noong Septyembre 2014.

“Nakikipagtulungan ang DOLE sa Bureau of Fire Protection sa pagtaya kung may mga paglabag ba ng mga alituntunan sa kaligtasan upang matukoy kung ano ang kasalanan ng mga kinauukulan. Ayon sa DOLE, isang kompanyang may unyon ang Kentex, kung saan may nakatayong komite sa kaligtasan, at ang mga manggagawa nito ay nakakatanggap ng mga ipinag-uutos na social security at workmen’s compensation benefits…”

-ooo-

BIBLE COURSE SA RADYO, UMPISA NA: STUDENTS WELCOME: Tunay pong natutuwa ako na maraming mga tao na nagbabasa ng koluma na ito, pati na ng kanyang online versions sa www.facebook.com/attybatas at batasmauricio.wix.com/kakampi-mo-ang-batas, ang nagnanais sumailalim sa pag-aaral ng Bibliya sa pamamagitan ng radyo at Internet. Salamat po, at nawa’y kasihan ng Diyos ang inyong pagnanais na maging mga pastor at mangangaral ng Salita ng Diyos!

Magkaganunman, ang ating programa sa radyo na siyang daluyan ng pag-aaral ng Bibliya para sa mga nais maging pastor ay mag-uumpisa na po sa Lunes, Mayo 18, 2015, sa himpilang DWAD, 1098 kHz, mula alas 6:30 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi sa umpisa. Nananawagan po ako sa ating mga mambabasa dito na pakinggan po ang programang ito, na pinamagatang “Ang Tanging Daan”, at sumali dito sa 0922 833 43 96.

-ooo-

INDEPENDENT CHURCHES SA VISAYAS, MINDANAO, GUSTO NG PAGKAKAISA: Ganundin, salamat din sa mga independent Christian churches mula sa Visayas at Mindanao ukol sa posibilidad ng pakikipag-isa sa Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), sa pamamagitan ng pagbuo ng federasyon, o pagiging affiliate, o pagiging kaalyado ng AND KNK. Tumatanggap pa rin po kami ng mga tanong sa 0922 833 43 96.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page