“Ang Tanging Daan”: Bible study sa radyo
- By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
- May 15, 2015
- 3 min read
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Mateo 28:19, Bibliya).
-ooo-
ANG MGA MAHIHIRAP BILANG PASTOR? BAKIT HINDI? Ang isa sa mga pangunahing kautusan ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, na ninanais isakatuparan at isulong ng husto ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) ay ang paghahayo sa buong mundo upang gawing alagad Niya ang lahat ng mga bansa.
Ito ang dahilan kung bakit puspusan ang pagsasanay ng AND KNK sa kanyang mga kasapi tungo sa pagiging tagapangaral ng Salita ng Diyos, upang hindi sila matulad sa ibang mga mananampalatayang nambubutas lamang ng mga silya sa kanilang mga simbahan, at magkaroon ng kahandaan sa pangangaral ng Bibliya sa lahat ng dako. Hindi mahalaga kung ang miyembro ng AND KNK ay walang pinag-aralan, o di nakatapos, o mahirap lamang.
Naniniwala ang AND KNK na gaya ng mga disipulo noong mga unang panahon, ang kailangan lamang ng kahit na sino upang maging pastor o mangangaral at gumanap sa gawain ng Diyos sa paghahayag ng Kanyang Salita at mga kautusan at pagliligtas ng kaluluwa mula sa uod at apoy ng impiyerno, ay isang pusong tapat sa Diyos, at handang mag-aral ng Bibliya at sumunod sa utos.
-ooo-
AND KNK, MAY ALOK NA ORDINASYON PARA MAGING PASTOR: Sa totoo lang, sa pananaw ng AND KNK, hindi na kailangang magkaroon pa ang isang tao ng degree sa teolohika, o sumailalim ito sa pagsasanay sa seminary upang maging mangangaral. Ang tunay na mahalaga lamang para sa isang nakakaramdam ng tawag ng Diyos upang maging manggagawa Niya, lalo na sa pagpapahayag ng Kanyang Salita, ay ang kagustuhang mag-aral kasama ng mga naunang tinawag ng Diyos.
Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ng AND KNK ang maraming praktikal na kapaaanan upang maging pastor o mangangaral ang lahat ng interesado. Ang una dito ay ang totohanang pagdalo ng mga pag-aaral ng Bibliya na isinasagawa na ng AND KNK tuwing Miyerkules, mula ala-una hanggang alas 5 ng hapon, at tuwing Sabado, mula alas 8 hanggang alas 9 ng umaga, para sa mga nasa Metro Manila at kalapit na lugar.
Ang isa pang paraan ay ang pag-aaral ng Bibliya sa radio at sa Internet, na uumpisahan na ng AND KNK sa Mayo 18, 2015, sa kapahintulutan ng Diyos, upang ang mga tinawag ng Diyos na mangaral mula sa malalayong lugar, o medyo mahirap ang buhay at walang pera upang mag-aral sa mga seminarya o eskuwelahan, ay makakapag-aral pa din ng Bibliya, maintindihan ang mga kautusan doon, at makapag-bahagi sa iba.
-ooo-
“ANG TANGING DAAN”: PAG-AARAL NG BIBLIYA SA RADYO: Kaya po inuulit ko ang paanyaya ng AND KNK sa mga nagnanais maging pastor at mangangaral ng Salita ng Diyos, saan man kayo naroroon, anuman ang inyong edad o katayuan sa buhay, may asawa man o wala: sumali po kayo sa aming pag-aaral ng Bibliya sa radyo at sa Internet upang mabigyan nga kayo ng sertipiko na kayo ay na-ordinahan at nabigyan ng lisensiya bilang mangangaral.
Maaari po ninyo akong tawagan sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68) o mag-email po kayo sa batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.
Ganundin, maaari na po kayong makinig, umpisa sa Lunes, Mayo 18, 2015, God willing, sa ganap na alas 6:30 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa himpilang DWAD, 1098 kHz, sa palatuntunang “Ang Dating Daan”, at alamin ang sistema kung paanong sumali sa Bible course sa radyo. Gaya ng sinasabi ng Aklat ni Osea sa Lumang Tipan, panahon na upang hanapin ang Diyos.
-ooo-
REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.
-30-
تعليقات