top of page
Search

Pagkakaisa ng RP Christian churches isinusulong

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 14, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Si Kristo mismo ang nagbigay sa mga apostol, sa mga propeta, at sa mga mangangaral, upang magamit nila ang mga kaloob sa paglilingkod, upang maitatag ang katawan ni Kristo, hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ng pagkakilala sa Anak ng Diyos…” (Efeso 4:13, Banal na Bibliya).

-ooo-

MALAKING REAKSYON SA ISYU NG ISPIRITWALIDAD: Lubos akong nalulugod sa mga reaksyon sa isinusulat nating mga kolum ukol sa ispirituwalidad, lalo na sa ating imbitasyon para sa lahat na nais maging pastor o mangangaral ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible course sa radyo at Internet. Marami ang tumugon at nagpahayag na nais nilang maging bahagi ng nasabing Bible course.

Marami rin akong natatanggap na reaksyon, pabor o kontra, sa aking pahayag na walang doktrina ukol sa “born again” sa Bibliya, dahil ang sinabi ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 3:3 ay ito: para makapasok ang tao sa kaharian ng Diyos, kailangan siyang “ipanganak sa Diyos” at hindi “isilang na muli.”

Nagpapasalamat ako sa lahat ng inyong mga reaksyon. Totoo nga na maraming nagkakaroon ng interes sa atin kapag isyu ng ispiritwalidad ang pinag-uusapan, ke pabor o kontrar sa mga pananaw na ipinapahayag ng mga taong nabigyan ng inspirasyon upang magsalita ukol sa Diyos at sa Kanyang Salita. Ang mahalaga, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa Ngalan ni Jesus, sa pampublikong reaksiyon ng mga tao.

-ooo-

INDEPENDENT CHISTIAN CHURCHES NAIS NG PAGSASAMA-SAMA AT PAGKAKAISA: Nakakatanggap din ako ng tawag mula sa Christian churches na hindi kaalyado sa anumang malalaking religious groups, at nagtatanong kung paano nila maipapadala ang kanilang mga miyembro, lalo na ang mga kabataan, sa nasabing Bible course, at sa posibilidad na ang mga nasabing simbahan ay makipag-alyansa sa Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK).

Ang mga nasabing simbahan, kahit tinatawag pang “born again” ang kanilang mga miyembro, ay pawang independent churches at malayang kumikilos sa kanilang sarili lang. Bagamat pangunahin ang nais nilang mag-aral ng Bibliya, mukhang interesado rin silang sumama sa iba pang spiritual groups na nakikibahagi sa kanilang paniniwala at hangarin na maging miyembro ng “katawan ni Kristo”.

Ipinabatid ko sa pamunuan ng AND KNK ang tungkol dito at maganda ang kanilang tugon: handa ang AND KNK na makipag-alyansa, makiisa, at tanggapin ang independent Christian churches mula sa mga lalawigan at maging sa abroad, basta’t nananampalataya sila sa pangunahing doktrina ng AND KNK na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas at Siya ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

-ooo-

AND KNK HANDANG MAKIPAG-USAP SA CHRISTIAN CHURCHES: Naatasan din akong ihayag na ang aming Simbahan, ang AND KNK, ay handang tumanggap ng independent Christian churches mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at buong mundo na nais sumama at makipag-alyansa, o kahit magtanong lang ukol sa aming mga katuruan at paniniwala.

Huwag magdalawang-isip ang lahat na magpadala ng text sa aking mga numerong 0917 984 24 68, 0918 574 0193, at 0922 833 43 96. Handa ko ring sagutin ang mga katangunan sa aking email addresses na batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com,melaniolazomauriciojr@outlook.com, at sa aking Facebook account, attybatas.

Layunin ng lahat ng ito na makabuo ng isang nagkakaisang grupo na sa kanilang pakiramdam ay tinawag sila para gumanap sa gawain para sa Diyos sa mga huling panahon, o sa Ikalawang Pagdating ni Jesus, na ikalat ang Ebanghelyo ng Kaligtasan sa lahat ng bansa, at agawin ang mga kaluluwa mula sa apoy at uod ng impiyerno. Tawag na!!!

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page