Walang “born again” sa Bibliya?
- By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
- May 13, 2015
- 3 min read
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sinabi ni Jesus, `Tunay na sinasabi ko sa inyo, walang makakapasok sa kaharian ng Diyos maliban sila ay ipanganak mula sa Diyos’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 3:3, Bibliya).
-ooo-
ANO NGA BA: BORN AGAIN, O BORN OF GOD? Nais ko pong ibahagi dito ang aking pananaw na inilabas ko sa isang Internet group na tumututok sa espirituwalidad, mabuting pamamahala, at marami pang iba, ukol sa kailangang pagbabago upang maalis ang korapsiyon at kahirapan: “Ang tunay na pagkilos tungo sa tunay na pagbabago ng mga Pilipino at ng buong sanlibutan ay hindi ang pagiging `born again’ o `isinilang na muli’.
“Tunay nga, kahit na isisilang na muli ang isang tao ng milyong beses pa, isisilang siyang muli bilang tao pa rin, makasalanan at masama pa rin (sa mga naniniwala sa Bibliya, pakibasa po ang Roma 3:23 at Genesis 6:5-7). Kailangan ng tao na `isilang mula sa Diyos’ upang siya ay maging `anak ng Diyos’, tunay na nabago, tunay na nareporma, tunay na batbat ng espirituwalidad at may kakayahang iwanan ang kasamaan at katiwalian (basahin po ang Juan 1:12-23 at Juan 3:5-6).
“Ganundin, ang tunay na sinabi ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 3:3 ay hindi sa ang tao ay `isisilang na muli’, kundi (ayon na rin sa New International Version) kailangan ng tao na `isilang mula sa itaas’, o `isilang na mula sa Diyos’. Nawa’y magdalang-awa ang Diyos sa ating lahat…” May komento po ba kayo dito?
-ooo-
“BORN AGAIN” DOCTRINE, DAPAT REPASUHIN? Ang pagkaka-ibang ito ukol sa “born again” at “born of God” ay maaaring makapagbigay ng sagot sa tanong ng maraming Kristiyanong “born again” sa ngayon: kung sinasabing ang pagiging “born again” ay nagdadala ng kapangyarihang espirituwal, bakit kaya ang mga “born again” ay tila ba di lubos na dumadami sa bilang sa kabila ng pag-usad ng mga taon?
Narinig ko si Pastor Ed Lapiz, sa kanyang araw-araw na programang “Day by Day” sa DZAS (702 khz) noong Marso 17, 2014, na ganoon din ang tanong. Nagtutungo din sa akin ang ilang mga Born Again pastors at ganoon din ang kanilang itinatanong. At iisa lamang po ang aking sagot: marahil, ito ay dahil sa may mali sa pagpapahayag ng mga mananampalatayang “born again” kaya di sila pinagpapala sa pagdami.
Ano kaya itong “kamalian sa pagpapahayag” ng mga “born again pastors? Maaaring ito ay ang katotohanang walang “born again” sa Bibliya, at di sinabi ni Jesus ang “born again” sa Juan 3:3, at ang tunay na sinabi niya ay ito: kailangan ng tao na isilang mula sa Diyos (“born of God”) upang makapasok siya sa kaharian ng langit. Marahil, panahon na upang saliksiking muli ang puntong ito, mga minamahal na “born again leaders”?
-ooo-
TOTOO ANG IMPIYERNO, AYON SA BALITA: Sa isang Internet egroup, may debate ukol sa kung may impiyerno ba o wala. Pero mabuti ang Diyos, at dakila ang Diyos, sapagkat ipinakita Niya na mayroong impiyerno, at isang balita mula sa Philippine Daily Inquirer na lumabas noong Junio 24, 2010 angkumukumpirma dito.
Eto po ang kuwento: “Mga astronomers, nakasilip ng delikadong pagkilos ng isang malayong planeta, Agence France-Presse. Junio 24, 201. PARIS-Isang planetang ang pangalan ay isinunod sa pangalan ng panginoon ng kamatayan sa matandang Egipto ay isang lugar kung saan ang mga tao ay sabayang mapapakuluan, malalason at mapipira-piraso ng mga malalakas na bagyo, ayon sa mga astronomers.
“Ang malayong planetang ito ay umiinog sa isang malaking bituwin sa constellation ng Pegasus, isang lugar sa kalawakan na may layong 150 million light years mula sa daigdig, at kinikilala bilang HD 209458b pero pinangalanang Osiris, ang diyos ng Egyptian underworld. Ang tawag na ito ay karapat-dapat, batay na din sa mga nakitang kalayagan nito na naiulat sa science journal na Nature…”
-ooo-
MAKINIG: DZEC 1062 kHz Manila, 1080 kHz Dagupan City, 711 kHz Naga City, 1260 kHz Lucena City, 1224 kHz Davao City, www.eaglenews.ph, Lunes-Biyernes, alas 6 n.u.; DYKA 801 kHz Panay Island, Yes Radio 88.3 FM Barobo City, Surigao del Sur, Yes Radio 93.9 FM, Cagwait, Surigao Del Sur, Lunes-Biyernes, alas 10 n.u; 92.7 Smile FM San Francisco, Agusan del Sur, Kiss 101.1 FM Cabadbaran City, Agusan del Norte, Lunes-Biyernes, alas 12 ng tanghali; Win 107.5 FM Roxas, Isabela, Sabado, alas 5:30 n.u, at Linggo, alas 7 n.u.
-30-
Comments