top of page
Search

AND KNK: Ikapu, pautang sa Diyos

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 9, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Ngunit ang inyong impukin ay ang kayamanan sa langit, kung saan ang mga gamu-gamo at ang mga tanga ay walang kakayahang manira, at kung saan ang mga magnanakaw ay walang kakayahang pumasok at magnakaw’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Mateo 6:20, Bibliya).

-ooo-

PAGBIBIGAY NG IKAPU, PAGPAPAUTANG SA DIYOS: Alam ba ninyong ang pagbibigay ng ikapu at mga handog sa mga simbahan ay nangangahulugan pala ng pagpapautang sa Diyos, na dahilan upang magbigay din Siya ng pagpapala, paggabay, at proteksiyon sa mga nagbibigay ng ikapu at mga handog? Ito po ang turo ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (o AND KNK).

Naniniwala po ang AND KNK na ang pagbibigay ng ikapu at ng iba’t ibang mga alay at mga handog ay isang paraan ng pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos sa ating lahat, at pagpapakita din ating pasasalamat at papuri sa Kanyang mga ipinagkakaloob na mga pagpapala, paggabay, at proteksiyon sa lahat ng sandali.

Tunay nga, ang kahalagahan ng pagbibigay ng ikapu ay batay sa paniniwalang pag-aari ng Diyos ang lahat ng bagay (Exodus 19:5, Awit 24:1, Awit 50:10-212 at Ageo 2:8). Tayong lahat ay nilalang ng Diyos at utang natin sa kanya ang bawat hininga sa ating katawan (Genesis 1:26-27, Gawa 17:28), kaya naman ang lahat ng pag-aari natin ay nauna ng tinanggap natin mula sa Diyos (Job 1:21, Juan 3:27, at 1 Corinto 4:7).

-ooo-

AND KNK: ANG IKAPU AY KONTRATA NG DIYOS AT TAO: Kinikilala ng AND KNK na ang pagbibigay ng ikapu ay isang kasunduang inalok ng tao, o ni Jacob na anak ni Isaac, sa Diyos, kapalit ng kanyang pagkatin, ng kanyang damit, at ng paggabay na ibibigay sa kanya (Genesis 28:20-22). Dahil ang pag-iikapu ay isang kontrata, may tungkulin ang tao na tuparin ito.

Sa totoo lang, di lamang ang mga ikapu, o ang ika-sampung bahagi ng bawat kita ng lahat, ke mula ito sa mga ani, o sa mga alagang hayop, kundi pati na ang mga kusang loob na alay, ang nararapat na ibigay sa Diyos.

Sa Lumang Tipan, lalo na sa Aklat ng Levitico, may atas sa mga tao na magbigay ng mga dagdag na alay at handog upang masiyahan ang Diyos, gaya ng sinusunod na alay (Levitico 1 at 6:8-13), alay ng karne (Levitico 2 at 6:14-23), alay pangkapayapaan (Levitico 3 at 7:11-12), alay para sa mga kasalanan (Levitico 4:1-5 at 6:24-30), at ang alay para sa mga paglabag sa mga batas (Levitico 5:14-16).

-ooo-

KAHIRAPAN SA MGA DI NAG-I-IKAPU: Ang pagbibigay ng ikapu at ng mga alay at mga handog ay dalawang mahahalagang gampanin ng mga mananampalataya, na dapat nilang tinutupad sa lahat ng sandali. Kung ang mga tao ay di magbibigay ng kanilang mga ikapu, at babalutin sila ng kasakiman na siyang dahilan kung bakit di sila nakakapagbigay, magkakaroon sila ng kahirapan sa buhay (Hagai 1:3-6, Malakias 3:8-12).

Ang pagbibigay ng ikapu ay kailangan upang isulong ang kaharian ng Diyos, at upang matupad ng mga simbahan ang kanilang mga gawain gaya ng pagpapalaganap ng Salita sa buong undo (1 Corinto 9:4-14; Filipos 4:15-18; 1 Timoteo 5:17-18). At sa pamamagitan ng ikapo, nakakatulong ang mga simbahan sa mga mahihirap, na isang paraan ng pagpapautang sa Diyos (Kawikaan 19:17, Galacia 2:10; 2 Corinto 8:14).

Ngunit sa pagbibigay ng ikapu, dapat akma ito sa ating mga kinikita. At maaaring magbigay ng higit pa, pero di kailanman ng mas mababa sa ating mga kita dahil ituturing tayong nagnanakaw sa Diyos (Malakias 3:8-10). Kusang loob dapat ang pagbibigay ng ikapu, at dapat ay nakakahigit kaysa dapat ang halagang ibinibigay natin (Exodus 25:1-2), sa paraang tayo ay naliligayahan (2 Corinto 9:7).

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page