top of page
Search

Pacquiao: matagumpay na mandirigma ng Diyos

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • May 4, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong kalagayan noong kayo ay tawagin. Hindi marami sa inyo ang matalino… ang may kapangyarihan,.. ang maringal. Ngunit pinili ng Diyos ang mga maliliit upang hiyain ang mga matatalino; pinili ng Diyos ang mga mahihina upang hiyain ang malalakas…” (1 Corinto 1:26-276, Bibliya).

-oo-

PACQUIAO: TINAWAG UPANG HIYAIN AND MAYAYAMAN: Halos sampung taon na o higit pa ang nakakaraan, may isang binatang tumawag sa akin, humihingi ng tulong upang kausapin ko ang may-ari ng kuwartong kanyang inuupahan sa Malabon City, Metro Manila, na huwag siyang sipain at paalisin doon, kahit na di siya nakakabayad noon ng kanyang buwanang upa, sa halagang P500.00 bawat buwan.

Ang binatang iyon ay nagpakilalang siya si Manny Pacquiao, ang isa sa mga “alagang boksingero” ng namayapa ng kaibigan kong si Rod “Ompong” Nazario. Sabi ni Manny noon, wala siyang pambayad, at, sa totoo lang noon, ni hindi siya makabili ng kanyang pagkain kaya’t madalas siyang natutulong ng walang kinain sa hapunan.

-ooo-

MATAGUMPAY NA MANDIRIGMA NG DIYOS SA PAGPAPAHAYAG NG SALITA: Pero, sabi sa akin ni Manny, makakabayad siya kapag nanalo na siya sa kanyang mga laban. Kaya naman tinawagan ko ang nagpapaupa sa kanya at, sa awa ng Diyos, pumayag naman itong patirahin muna ang boksingero sa kuwarto. Mula doon, sumulong na si Pacquiao di lamang sa yaman at katanyagan, kundi pati na sa pagiging mangangaral ng Salita ng Diyos.

Tunay nga, pinipili ng Diyos ang mga maliliit at mahihirap upang hiyain ang mga mayayaman at matatalino, di ba? Habang sinusulat ko ang kolum na ito, dalawang oras pang mahigit bago ang laban niya kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, kaya di ko alam kung sino ang nagwagi doon. Pero, talo man o panalo, ipinanalo na si Pacqquiao ng Diyos, sa labanan ng paghahayag ng Kanyang Salita at pagliligtas ng kaluluwa.

-ooo-

NANGANGARAP BA KAYONG MAGING PASTOR? BASAHIN PO ITO: Interesado po ba kayo na maging Kristiyanong pastor o preacher o mangangaral, o upang mapalawak ang inyong kaalaman sa iba mga katuruan at aral? Nagtayo kasi ako at ang aking mga kaibigan ng isang pag-aaal ng Bibliya sa online (Internet) at sa radyo, na magbibigay ng mga sertipiko ng ordinasyon at lisensiya sa pangangaral sa mga makakatapos sa Bible study.

Ang mga magsisipagtapos ng pag-aaral na ito sa Internet at sa radyo ay itatalagang mga “pastor” o mga “mangangaral” na bibigyan ng karapatang ipangaral ang Biblia. Ang lahat po ay inaanyayahang sumama sa online at radio Bible study na ito, anuman ang inyong natapos sa pag-aaral o simbahang kinaaniban. Sa totoo lang, kahit na yung mga walang pinag-aralan ay maaaring ding makasama sa Internet at radio course na ito.

Naniniwala kaming ang lahat ng interesadong maging pastor o mangangaral ay maaari ngang maging pastor at mangangaral, ke siya ay Katoliko, Kristiyano, o kasapi ng anumang relihiyon. At dahil ang pag-aaral na ito ay gaganapin sa radyo at sa Internet, sinuman sa Luzon, Visayas at Mindanao ay maaaring sumama.

-ooo-

ANG MGA ARALIN SA ONLINE & RADIO BIBLE STUDY: Eto po ang course outline dito sa ating Internet at radio Bible study: Lesson 1: Pagpapakilala sa Salita ng Diyos. Lesson 2, “Ang Kapangyarihan at Kahalagahan ng Salita ng Diyos”. Lesson 3, “Ang Kapangyarihan ng Diyos”. Lesson 4, “Si Jesus ang Diyos”. Lesson 5, “Si Jesus ang Tagapagligtas”. Lesson 6, “Isinilang Mula sa Diyos” . Lesson 7, “Anak ng Diyos”. Lesson 8 is “Kadugo Ni Kristo”, at Lesson 9 “Bautismo”.

Ang kursong ito ay sisentro sa iba’t ibang bahagi ng buhay ni Jesus na nagpapatunay sa doktrinang Siya ang Diyos, lalo na sa 18 bahagi na kilalang-kilala nan g halos lahat ng Kristiyano. Mahalagang paksa din dito ang pangangailangang “isilang mula sa Diyos” ang tao. Paki-text o paki-email po ang inyong mga pangalan at address kung interesado po kayong maging pastor, sa mga numero at address sa ibaba nito.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page