top of page
Search

Mas maraming panalangin para kay Veloso!

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 29, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…kung ang aking bayan na tinatawag sa aking pangalan ay magpapakumbaba at mananalangin, at hahanapin ako at tatalikod sa kanilang mga kasalanan, pakikinggan ko sila mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang sala, at aalisin ko ang mga sumpa sa kanilang bayan…” (2 Cronica 7:14, Bibliya).

-ooo-

MAS MARAMING PANALANGIN, KAILANGAN NI VELOSO: Bagamat binabati ko na ang Pangulong Aquino sa kanyang paghingi ng isa pang pag-aaral ng mga pinuno ng Indonesia, sa pangunguna ni President Joko Widodo, sa kaso ni Mary Jane Veloso, huwag nating kalilimutan na nag-uumpisa pa lang ang laban. Di pa naman kasi permanenteng nailigtas na siya sa firing squad. Panandalian pa lamang ang pagkakapigil ng pagbitay sa kanya.

Sa totoo lang, gaya ng ipinakita ng mga ulat noong madaling araw noong Miyerkules, Abril 29, 2015, ang pinal na pasya kung itutuloy pa ba o hindi na ang bitay kay Veloso matapos siyang masentensiyahan ng kamatayan dahil sa droga ay nakasalalay sa kalalabasan ng mga kaso naman laban sa kanyang mga recruiters sa Pilipinas na sumurender na sa ngayon.

Pero, paano kung sasabihin ng Indonesia na ang mga kaso laban sa recruiters ay wala naman palang kinalaman sa pananagutan ni Veloso sa kasong droga na hinarap niya sa nasabing bansa? Dahil diyan, dapat ng totohanang kumilos si Aquno upang tulungan ang ating kababayan, una sa pamamagitan ng mga prayer sessions, at, pangalawa, sa pagpapadala ng mga mahuhusay na abogado.

-ooo-

PANALANGIN, SAGOT SA LAHAT NG SULIRANIN: Ipinapanukala ko ang panalangin, kasi naiintindihan ko ang kapangyarihan nito. At kinukumpirma ang kapangyarihan ng panalangin ng isang tula sa wikang Ingles na nakita kong nakapaskil sa loob ng isang sangay ng hukuman sa Manila noong 1983, noong nag-uumpisa na akong maging manananggol. Eto po ang tula, na aking isinalin sa wikang Pilipino:

“Panalangin ang sagot sa lahat ng suliranin sa buhay. Inilalagay nito ang ating buong pagkatao sa maka-langit na karunungan, na may kapangyarihang pagtugma-tugmain ng buong kaayusan ang lahat ng bagay. Sa napakaraming pagkakataon, hindi tayo nananalangin sapagkat sa ating pananaw, walang pag-asang nakalaan sa atin. Ngunit walang imposible sa Diyos.

“Walang sigalot na di maisasaayos. Walang ugnayang nababalot sa hidwaan ang di maaaring mapagkasundo at magkaroon ng magandang unawaan. Walang masamang pag-uugali na di mapapagtagumpayan at mababago. Walang mahina na di magkakaroon ng kalakasan. Walang sakit na di magagamot. Walang kaisipang mahina ang di magkakaroon ng katalinuhan.

“Anuman ang ating pangangailangan, kung tayo ay nananampalataya at nagtitiwala sa Diyos, ito ay ibibigay Niya sa atin. Kung mayroon mang nagbibigay sa atin ng alalalahin at pagkabagabag, huwag ang kahirapan ang ating iisipin. Sa halip, manampalataya at magtiwala tayo sa Diyos, at makakamtan natin ang pag-ibig, kagalingan, at kapangyarihan.”

-ooo-

-ooo-

39.9 DEGREES CENTIGRADE? BASAHIN ANG BIBLIYA: May nakakatakot na pahayag ang weather bureau para sa Biyernes, Mayo 01, 2015, Labor Day. Ang temperatura ay magiging 39.9 degrees centigrade, na tunay na napakainit. Peo di ko sasabihin sa tao na mag-ingat. Sa halip, sasabihan ko silang magbasa ng Bibliya, habang may panahon pa, kung ano ang panlaban ng nito sa “nakakasunog na tag-init”, sa kanyang Deuteronomio 28:22-23. Basahin na agad ito!

-ooo-

PACQUIAO-MAYWEATHER FIGHT, “LALARUIN” LANG? Bakit ba ang pakiramdam ko magiging resulta sa labanang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather sa Mayo 03, 2015, na tinatawag ng Laban ng Isang Buong Siglo, ay “lalaruin” lamang upang magkaroon ng mas marami pang laban ang dalawa sa mga darating na araw? Mayroon kasing milyong-milyong dahilan upang “laruin” ang resulta, di ba?

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page