top of page
Search

CA Justice Bueser, hinabla sa Ombudsman

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 23, 2015
  • 3 min read

INSPIRASIYON SA BUHAY: “… panatiliin ninyo ang katarungan sa mga hukuman…” (Amos 5:15, Bibliya).

-ooo-

CA JUSTICE BUESER, HINABLA SA OMBUDSMAN: Sa labanan sa kung sino ang may-ari ng Harbour Centre Port Terminal Inc., tinutuos na din ang isa pang matagal ng alituntunin na nagsasabing ang mga kasong kriminal laban sa mga hukom at justices ay di pupuwedeng isampa sa ibang mga tanggapan kundi sa Korte Suprema lamang. Ganito din ang pagtutuos na nangyayari sa tinatawag na condonation rule sa mga kasong administratibo ng mga halal na opisyales.

Ito ay bunsod ng habla ng One Source Port Support Services, isa sa mga naglalaban sa kaso ng Harbour Centre Port Terminal Inc. Sa demandang nilagdaan ni Atty. Cyrus Paul Valenzuela, presidente ng One Source, tinukoy nito si Court of Appeals Justice Danton Bueser na lagi na lamang diumano na pumapabor sa kanyang mga desisyon sa kalaban ng One Source. Si Bueser ay dating kongresista sa Laguna.

Naaala ko na kung may kasong kriminal noon laban sa sinumang judge o justice sa Ombudsman o sa iba pang ahensiya ng gobyerno, lagi ng ipinapadala ang mga kasong ito sa Office of the Court Administrator para sa kaukulang imbestigasyon. Alam kaya ng One Source ang alituntuning ito noong inihabla niya si Justice Bueser sa Ombudsman?

-ooo-

PAHALAGAHAN ANG PANGALAN AT SALITA NG DIYOS: Mayroon po akong natutunan kung binabanggit na ang Pangalan ng Diyos o ang Kanyang Salita. Kailangang pahalagahan ang pagkakabanggit na ito, at kailangang kumilos ang lahat ayon sa katotohanang di papayagan ng Diyos na mabalewala ang Kanyang Pangalan o ang Kanyang Salita. Laging pararangalan ng Diyos ang Kanyang Pangalan at ang Kanyang Salita, at Kanyang parurusahan ang mga taliwas ang gawa.

Sinasabi ko po ito dahil alam kong may isang tao na natutong sambitin ang Pangalan at ang Salita ng Diyos sa kanyang mga laban, sa desperadong pagnanais na maipagtanggol ang kanyang karangalan at ang kanyang sarili, sa harap ng yaman, lakas, at impluwensiya ng kanyang kalaban. Namimigay kasi ang kalaban niya ng pabor, tulad ng pera o iba pang bagay, sa mga taong tumatalima sa kanyang mga utos.

Napinsala na ng kalaban na ito ang taong natutong tumawag sa Diyos pero tila di pa nasisiyahan ang mayamang kalabang ito. Dahil walang gustong tumulong sa taong nakakatunggali ng mayaman, malakas, at maimpluwensiya, natuto ang nasabing tao na tumawag sa Diyos sa lahat ng sandali ng kanyang buhay.

-ooo-

PINARARANGALAN NG DIYOS ANG MGA TUMATAWAG SA KANYA: Binabalewala ng nasabing mayamang kalaban at ng mga kumikilos para sa kanya ang mga pagbanggit ng Pangalan ng Diyos at ng Kanyang Salita, dahil tiwala sila na lagi silang papagtagumpayin ng kanilang yaman at posisyon. Pero, may paraan ang Diyos upang parangalan ang mga tumatawag sa Kanya at nagtitiwala sa Kanyang Salita.

Sa di malamang dahilan, may isang tao na, tila mula sa kawalan, ang biglang nagpasyang tumulong sa mayamang kalaban ng taong natuto ng tumawag sa Diyos. Pero, di nagtagal, ang tumulong na ito sa mayamang kalaban ay biglang nahaharap sa maraming mga usaping kumukuwestiyon pa mandin sa kanyang personal at opisyal na integridad at katapatan. Isa sa mga akusasyon sa kanya ay ang pagpapabayad niya sa kanyang trabaho.

Ang totoo, may ibang mga nilapitan ang mayamang kalaban pero tumanggi ang mga ito na tulungan ang mayaman. Pero, yung nagpasyang tumulong sa mayaman ay tila nakakarma na, kasi siya na ang naakusahan ngayon ng maraming mga katiwalian, galing sa ibang mga tao na lumilitaw ay nabiktima din niya ng kanyang kabuktutan sa tungkulin.

-ooo-

MAKINIG: DZEC 1062 kHz Manila, 1080 kHz Dagupan City, 711 kHz Naga City, 1260 kHz Lucena City, 1224 kHz Davao City, www.eaglenews.ph, Lunes-Biyernes, alas 6 n.u.; DYKA 801 kHz Panay Island, Yes Radio 88.3 FM Barobo City, Surigao del Sur, Yes Radio 93.9 FM, Cagwait, Surigao Del Sur, Lunes-Biyernes, alas 10 n.u; 92.7 Smile FM San Francisco, Agusan del Sur, Kiss 101.1 FM Cabadbaran City, Agusan del Norte, Lunes-Biyernes, alas 12 ng tanghali; Win 107.5 FM Roxas, Isabela, Sabado, alas 5:30 n.u, at Linggo, alas 7 n.u.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

댓글


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page