top of page
Search

PNoy, pinakamahinang pangulo ng RP

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 22, 2015
  • 2 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Kaawa-awa ang mga naniniwalang matatalino sila sa kanilang sarili, at marurunong sa kanilang paningin…” (Isaias 5:21, Bibliya).

-ooo-

MGA PILIPINO AYAW NG MANIWALA KAY PNOY: Sa mga pahayag ng Malacanang na ipinangangakong muli ng Pangulong Aquino na pagbubutihin na niya ang kanyang paglilingkod sa kanyang mga “boss” sa nalalabing dalawang taon ng kanyang panunungkulan, matindi ang naging reaksiyon ng mga mambabasa ng isang malaking diyaryo sa Manila, na nagsabing ayaw na nilang paniwalaan pa ang Pangulo.

Isang Noriel Bernabe and sumulat ng ganito: “Ngayong dalawang taon na lang ang kanyang panunungkulan, di na maipapatupad ni Noynoy ang kanyang mga malalaking proyekto dahil marami sa kanila ang puro plano pa lamang. Ang walang kuwentang anak ni Ninoy, ang walang maipagpapamalaking si Noynoy, ay wala din palang kakayahan bilang lider.

“Sa ilalim ng kanyang walang kuwentang pamumuno: nagkakagulo sa transport sector; lalong tumindi ang korapsiyon sa mga pamahalaang lokal, gaya ng ipinapakita ng mga kasong isinasampa ng mga mamamayan sa Ombudsman; di pa rin kinikilos ng Ombudsman sa ngayon ang mga kaso ng katiwalian ng mga kaalyado ni Noynoy.

-ooo-

PATI BUDGET SA ILALIM NI PNOY, TIWALI: Sabi din ni Bernabe: “Ang mga korap na pulitiko na nakinabang sa DAP (o ang disbursement acceleration program ni Aquino) ay di pa rin naiimbestigahan o idinedemanda ng DOJ (o Department of Justice); ang presyo ng mga batayang bilihin ay tumataas dahil sa port congestion; sa ilalim ng panunungkulan ni Noynoy, malabo ang negosyo ng transportasyon.

“Di pa rin kinikilos ang power shortage, at napakamahal pa ng kuryente; patuloy ang kawalan ng trabaho ng maraming mga manggagawa; konti lamang ang mga FDIs (o direct foreign investments); sa ilalim ni Noynoy, pinakamahina sa rehiyon ang pumasok na puhunang dayuhan sa bansa.

“Ang mga presyo ng mga batayang bilihin, pasahe, gasolina, tuition, pagkain, at maraming iba pa, ay nagtataasan ng sobra; bilyong pisong CCT (o cash conditional transfer) ay di alam kung saan napunta, at nakurakot na; sa ilalim ni Noynoy, ang budget ay puno ng katiwalian, at kalahati nito ang ibinubulsa lamang.

-ooo-

PNOY, PINAKAMAHINANG PANGULO NG RP: Bilang pagtatapos, sinabi ni Bernabe: “Sa ilalim ni Noynoy, ang mga pampublikong ospital na nakalaan dapat sa mga mahihirap ay isinasa-pribado; sa ilalim ni Noynoy, di masolusyunan ang rotating brownouts sa Mindanao; kaipoktrituhan at paninisi ang tatak ng administrasyong ito.

“Mas malaki ang pinsalang nagawa ng administrasyong ito sa ating mga institusyon at sa bansa sa kabuuan. Pinatunayan ni Noynoy na siya ang pinaka-mahinang pangulo sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas…”

-ooo-

KAWALDASAN ANG PAGKAKABOTO KAY PNOY NOONG 2010: Tunay nga, malaking kawaldasan ang pagkakahalal ng sambayanang Pilipino kay Noynoy noong 2010. Napakagaganda pa naman ng kanyang mga pangako ng repormadong pamamahala. Ngayong matatapos na siya sa tungkulin, nananatiling pangako ang mga ito. Ang tanging naisakatuparan ni Noynoy ay ang mga hula na masasaktan ang bansa pag siya ang naging pangulo. Nakakahiya!

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) a Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

댓글


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page