top of page
Search

Journalists, dapat ipaglaban ang sarili

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 17, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sa ebanghelyong ito kayo naligtas, kung panghahawakan ninyo ang mga aral na ibinigay ko sa inyo. Kung hindi, walang katuturan ang inyong pinaniwalaan…” (1 Corinto 15:2, Bibliya).

-ooo-

BANTA NG ILLEGAL NA SEX: Para sa mga lalaki at babaeng mahihilig, lalo na yung di nakakapagpigil sa makasalanang ligaya sa kandungan ng iba, isang pag-aaral na inilabas nito lamang Abril 11, 2015 ang nagsasabing ang pakikipagtalik o pakikipag-ugnayang seksuwal ay di lamang pala sa pagitan ng mga nagtatalik, kundi pati na sa lahat ng mga naunang nakasalo ng dalawa sa sex, kahit sa matagal ng panahon.

Ang resulta ng mala-bombang pag-aaral na ito ay mababasa sa Internet, sa http://m.disclose.tv/news/be_careful_who_you_sleep_with_study_shows_women_carry_the_dna_of_sexual_partners/116543. Ayon dito, kung makikipagtalik kaninuman ang isang tao, itinuturing ng siyensiya na katalik din niya ang lahat ng mga taong nauna ng nakatalik ng kanyang kalaguyo.

Ibig sabihin, kung ang mga naunang nakatalik ay may sakit o depektibong bahagi ng katawan, ang mga ito ay malilipat sa mga susunod na katalik. Ano ang aral ng kuwentong ito? Ang sex, o pakikipagtalik, ay sagrado, at dapat na isinasagawa lamang ng mag-asawa, hindi sa kung kani-kanino.

-ooo-

GRUPO, NAIS IMBESTIGAHAN DIN ANG IBANG CA JUSTICES: Bakit tila nilimitahan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang hinihing imbestigasyon sa korapsiyon sa Court of Appeals? Bakit yung dalawang justices doon na lumagda sa utos na pumipigil sa suspensiyon ng Ombudsman kay Makati City Mayor Jejomar Erwin Junjun Binay ang kanya lamang gustong imbestigahan? Bakit tila nakasentro lang siya sa mga Binay?

Ito ang mga banat kay Trillanes ng Coalition of Filipino Consumers, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalitang si Perfecto Tagalog. Ayon sa koalisyon, kung tunay na nais ni Trillanes na linisin ang hudikatura, dapat imbestigahan din ng Senado ang kaso ng iba pang mga justces na diumano ay nagbebenta ng kanilang mga desisyon sa mga mayayamang negosyante.

Well, tama naman si Tagalog. Upang huwag maakusahan ang senador na ang mga Binay lamang ang kanyang binibira, dapat nga ding maimbestigahan ang iba pang mga akusasyon na sangkot ang iba pang mga Court of Appeals justice. Dapat ngang tapusin na ang katiwalian doon, at makapaglagay tuloy ng mga reglamentong pipigil sa pagluluklok o magpapatalsik sa mga tiwaling mahistrado.

-ooo-

BANTA SA PAMBANSANG KALUSUGAN: Kung walang lason o iba pang delikadong rekado ang milk tea na nakapatay ng dalawang katao sa Sampaloc, Manila noong isang Huwebes, ano (o, marahil, sino) ba ang nakapatay sa babaeng bumili lamang ng milk tea at sa may-ari din ng tindahan na, ayon sa video, ay parehong bumulagta ilang segundo lamang ang nakalipas matapos nilang mainom ang likido?

At bakit naman kakailanganin pa ng Department of Health (DOH) ng dalawa hanggang tatlong buwan upang malaman lamang ang dahilan ng kamatayan ng mga biktima? Katibayan na naman ba ito ng incompetence ng ating mga health officials? Ito na nga ang sinasabi natin noon pa---kailangan ng ingat sa pagluluklok ng mga pinuno sa larangan ng kalusugan. Kung hindi, may banta sa lahat ng Pilipino.

-ooo-

JOURNALISTS DAPAT IPAGLABAN ANG KANILANG SARILI! Itong si Melinda Magsino ay isa na namang katibayan na delikado at nakakamatay ang pamamahayag sa Pilipinas, lalo na sa ilalim ng gobyernong walang pakialam sa mga mamamahayag, partikular sa mga bumabatikos sa korapsiyon at kawalan ng kakayahan ng mga opisyales na tuparin ang kanilang pangako sa tuwid na daan. Kailangan lumaban na para sa kanilang sarili ang mga mamamahayag!

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page