top of page
Search

Iimbestigahan na ba ng SC ang Court of Appeals?

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 13, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “...panatiliin ninyo ang katarungan sa mga hukuman…” (Amos 5:15, Bibliya).

-ooo-

IIMBESTIGAHAN NA BA NG SC ANG COURT OF APPEALS? Ano na kaya ang gagawin ng Korte Suprema at ng Judicial and Bar Council, ngayong nakapagsumite na diumano ng resolusyon si Sen. Antonio Trillanes IV upang imbestigahan ng Senado ang dalawang Court of Appeals justices na nabayaran daw ng Binay Family ng milyon-milyong piso para patigilin ang suspensiyon ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Junjun Binay, batay sa pakiusap ng isang abogado mula Makati?

Sigurado akong ito ay isa ng pagkilos na di basta-basta maisasantabi o mababalewala, at maaaring makalimutan na lamang kung ito ay di papansinin o di man lang kikilusin ng hukuman at ng Council. Grabeng eskandalo na kasi ito ngayon na maaaring umabot pa sa Supreme Court at sa JBC kung di sila kikilos at aalamin ang totoo.

Wala na ring dahilan upang manatiling di nakikialam ang Korte sa isyu, gaya ng sinabi ng spokesman nito, si Atty. Theodore Te, ukol sa mga kahilingang bunsod ng mga news headlines na maimbestigahan ang ilang Court of Appeals’ justices na nagbebenta diumano ng kanilang mga desisyon sa mayayamang tao. Isa ng malalang kanser ang korapsiyon sa hudikatura na dapat na ngang operahan at tapusin.

-ooo-

MAS MATINDING PAGKILOS KONTRA GLOBAL WARMING: Ang mga usap-usapan ukol sa pinsalang idinulot ng global waming at climate change sa halos 60,000 hektarya ng mga lupaing agrikultural sa Pilipinas ay tunay namang magandang paala-ala sa banta ng pagkawasak ng kalikasan at sa tiyak na kamatayan at kapinsalaang dulot ng mga ito. Sa ngayon, ito ay problema di na lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo na.

Pero nakakalungkot na sa halip na labanan, tila pinalalala pa ng mga opisyales ng gobyerno, at ng mga pribadong indibidwal at mga kompanya o grupo ang global warming at climate change, sa pamamagitan ng kanilang kasalukuyang mga gawain at direksiyon na malinaw namang pamasak-butas lamang, at walang tunay na biyayang ibinibigay.

Muli, nais ko pong sabihin na trilyones dolyares, euro, yen, at maging ng piso, ang nagagastos na sa mga nakakaraang panahon, sa pag-asang mapapatigil ang paglala ng problema sa kalikasan, pero maliwanag pong ang pagdausdos ng mundo tungo sa kamatayan at kapinsalaang dulot ng mga problemang ito ay nagpapatuloy at di napapatigil, at lalo pa ngang napapabilis. Ano ang gagawin natin?

-ooo-

BASAHIN AT SUNDIN ANG BIBLIYA, PANLABAN SA GLOBAL WARMING: Dapat tayong sumubok ng ibang mga solusyon, kasabay ng kasalukuyang pagkilos ng buong mundo upang labanan ang global warming at climate change. Sa matagal ng panahon, sinasabi kong mahalagang maintindihan ng lahat na ang banta ng kalamidad mula sa kalikasan ay ibinabala na, noon pa man, ng Bibliya, kaya’t kailangang alamin natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya bilang solusyon.

Bilang umpisa, naiisip ko ang Deuteronomio 28:15 at 22-24, at Mateo 7:24-27 bilang mga kapitulo at bersikulo ng Bibliya na may dalang babala ukol sa pagkakasira ng kapaligiran. Walang mawawala sa atin kung pag-aaralan natin ang mga bersikulong ito sa ngayon, at pagsumikapang silipin o unawain ang solusyong kanilang ipinapanukala. Simple lamang naman itong solusyong ito.

Ano ba ito? Ito ay ang pagpapabalik ng lahat ng tao sa Diyos, sa pamamagitan ng totohanang pagbabasa ng Bibliya at pagsunod sa mga utos ng Diyos na nakasulat doon. Sa ganitong paraan lamang magbabago ang lahat. Kung gagawin natin ito, matututo ang marami na magmahal di na lamang ng kanilang sarili kundi pati na ng ibang tao at ng kalikasan at kapaligiran. May panahon pa upang gawin ito!

-ooo-

MAKINIG: DZEC 1062 kHz Manila, 1080 kHz Dagupan City, 711 kHz Naga City, 1260 kHz Lucena City, 1224 kHz Davao City, www.eaglenews.ph, Lunes-Biyernes, alas 6 n.u.; DYKA 801 kHz Panay Island, Yes Radio 88.3 FM Barobo City, Surigao del Sur, Yes Radio 93.9 FM, Cagwait, Surigao Del Sur, Lunes-Biyernes, alas 10 n.u; 92.7 Smile FM San Francisco, Agusan del Sur, Kiss 101.1 FM Cabadbaran City, Agusan del Norte, Lunes-Biyernes, alas 12 ng tanghali; Win 107.5 FM Roxas, Isabela, Sabado, alas 5:30 n.u, at Linggo, alas 7 n.u.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

תגובות


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page