top of page
Search

Incompetence sa ilalim ni PNoy, nakamamatay

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 10, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Dahil dito, hinayaan sila ng Diyos sa masamang pita. Ang kanilang mga kababaihan ay tumatanggi na sa natural na pakikipag-ugnayan sa mga lalaki, at ganundin ang kanilang mga kalalakihan. Tinatanggihan na din nila ang natural na relasyon sa mga kababaihan, at sa kapwa nila lalaki na sila nahuhumaling…” (Roma 1:26-27, Bibliya).

-ooo-

INCOMPETENCE SA ILALIM NI PNOY, NAKAKAMATAY: Minsan pa, ang incompetence sa gobyernong Aquino ay pinag-uugatan ng kamatayan at pinsala ng mga tao. Isa na namang halimbawa nito ang nakita noong isang gabi, matapos mamatay ang dalawang katao, at magtamo ng pinsala ang isa pa, dahil sa sinasabing pagkakalason nila pagkaraang uminom sila ng milk tea mula sa isang tindahang dapat ay nasa pangagasiwa ng mga opisyales pang-kalusugan, lokal man o nasyonal.

Kasi naman, kung ginagawa lamang sana ng mga Manila health officials at ng mga kasama nila sa Department of Health (DOH) ang kanilang tungkuling siguraduhing ligtas ang mga pagkain at inuming ipinagbibili sa kanilang mga lugar, naiiwasan sana ang walang katuturang kamatayan at pinsala, gaya nga ng naganap sa Sampaloc.

Kaya lang, maliwanag na wala ng nagnanais na kumilos pa ng maayos sa ngayon. Sa pagpapalabas, halimbawa, ng mga lisensiya para sa mga kainan o iba pang mga kompanyang pagkain ang negosyo, alam na ng lahat na basta mabigyan ng malaking lagay ang mga tiwaling opisyales pangkalusugan, di problema ang nasabing mga lisensiya, kahit na madumi at delikado pa ang kanilang kapaligiran.

-ooo-

GININTUANG UTOS: ANG MAY GINTO ANG MAKAKAPAG-UTOS: Sa totoo lang, sa aking buhay bilang free legal aid lawyer, nakakita na ako ng mga ulat mula sa Food and Drugs Administration ng DOH na nagpapatunay na may mga food manufacturers at processors na kinakastigo dahil sa maruming pagawaan, kasama ang mga gamit nila na kinakikitaan ng mga insekto. Di nga kasi, nagdudulot ang mga ito ng banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili.

At nakakita na din ako ng iba pang mga ulat na may mga delikadong karne ang inaangkat---o, marahil, ang mas maayos na salita ay “ini-smuggle”---papasok sa bansa ng ilang mga tiwaling negosyante, na gumagamit sa mga karneng ito upang malawakang ipagbili bilang mga semi-cooked o processed food sa mga malalaking tindahan pa mandin.

Pero, wala man lang ginawa ang DOH upang patigilin ang mga tiwaling negosyante, at di maitatatwang ganundin ang nangyayari sa ibang mga tanggapan ng pamahalaan sa bansa. Tunay nga, marami sa mga nasa gobyerno at sa pribadong sektor ang gumagamit na sa ngayon ng “gintong kautusan”---kung sino ang may ginto, yun ang nag-uutos at nakakapangyari, kahit na makapatay pa sila ng tao. Alam ko po ito sapagkat ito ang karanasan ko sa pagtulong sa mahihirap.

-ooo-

PAGLALA NG AIDS SA RP: PAGTALIKOD SA DIYOS: Bakit ba lumalala na ang nakakamatay na sakit na HIV/AIDS sa maraming lungsod sa Pilipinas? Well, ayon sa ulat ng DOH noong isang araw, bunsod ito ng lumalakas na pagkahilig sa “MSM”, o “men having sex with other men”, o mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Kinumpirma ng DOH report na mas maraming mga Pilipinong kalalakihan na ang pumapasok sa relasyon sa kapwa lalaki.

Maraming dahilan ang lalabas kung bakit ganito na ngayon ang nagugustuhan ng maraming lalaki, at maaaring tama ang lahat ng mga dahilang ito. Tunay nga, ang isang maaaring nakakatulong sa sitwasyong ito ng pagsasama ng lalaki sa lalaki ay ang lumalawak na pagtanggap sa mga bakla, lalo na sa media at sa pelikula.

Sa ganang akin naman, kumbinsido ako na nagkakabisa na sa ating bansa ang propesiya ng Bibliya ukol sa kabaklaan at katomboyan, o ang pagkakaroon ng ugnayang seksuwal ng lalaki sa kapwa lalaki, at babae sa kapwa babae. Ano ba ang propesiyang ito ng Bibliya ukol dito? Na, dahil marami na ang di na kikilala sa Diyos, mabibigyan sila ng sumpa ng kabaklaan at katomboyan, na magiging dahilan ng kanilang kamatayan.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po kayo sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-

 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comentarios


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page