top of page
Search

Bibliya, kumukumpirma na si Jesus ang Diyos

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 10, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Ang Ama at ako ay iisa’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 10:30, Bibliya).

-ooo-

PAANO MAGING ANAK NG DIYOS KADUGO NI KRISTO: Ang Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo, o AND KNK, ay isang lumalagong simbahang sa Pilipinas itinatag, at ang lahat ng mga kasapi nito ay inaatasan, anuman ang kanilang katayuan sa buhay, na mangaral ng Salita at magligtas ng kaluluwa, batay sa kapangyarihan ng Pangalan ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas.

Tunay nga, ang mga kasapi ng Simbahang ito ay tinatawag ding mga Anak ng Kadugo Ni Kristo, o Kadugo. Ang dahilan ng ganitong katawagan ay ang katotohanang itinatag ang AND KNK sa doktrina na ang kanyang mga kasapi ay naligtas mula sa kasalanan at nabigyan ng buhay na walang hanggan sa Paraiso, at nabigyan ng kapangyarihan habang nabubuhay pa sa daigdig na ito, ng dugo ni Jesus.

Kaya ang tanong, papaano ba nagiging Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo ang isang tao? Ayon sa Simbahan, kailangang tanggapin niya at panampalatayaan si Jesus, batay sa Juan 1:12 ng Bibliya. Parang madali lang itong sabihin, pero mas malalim ang kahulugan talaga nito, lalo na at marami sa mga nagsasabing sila ay anak ng Diyos na ay wala namang kaalaman kung ano ang dapat nilang tanggapin at panampalatayaan kay Jesus.

-ooo-

PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS: Sa totoo lang, ano nga ba ang dapat tanggapin at panampalatayaan ng tao kay Jesus, upang maging Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo? Ito ay ang Kanyang pagiging Diyos at Tagapagligtas, ayon sa pagpapatotoo ng Bibliya. Muli, tila madali lamang sabihin ang bagay na ito, pero maliwanag ding marami sa mga nagsasabing Kristiyano sila ang di makakapagliwanag, gamit ang Bibliya, kung paaanong si Jesus nga ang Diyos.

Nag-experimento na po ako sa isyung ito ng maraming beses, upang alamin mula sa mga luma at bago pa lamang na mga Kristiyano kung maituturo ba nila ang mga kapitulo at bersikulo ng Bibliya na nagpapatunay na si Jesus ay Diyos at Tagapagligtas. Kamangha-manghang sa lahat ng pagkakataon, itong mga nagsasabing Kristiyano nga sila ay di nakakasagot ng tama.

At ito po ang hamon sa bawat AND KNK: di lamang dapat nilang isinasatinig na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas. Dapat din nilang maipaliwanag ng maayos ang katotohanang si Jesus nga ang Diyos at Tagapagligtas, ayon sa Bibliya. Naniniwala ang mga lider ng Simbahang AND KNK na ang pagpapatunay na si Jesus ang Diyos ang gawain sa huling kapanahunang nais ipagawa ni Jesus sa mga tagasunod Niya, upang magkaroon ng kaligtasan ang lahat.

-ooo-

BIBLIYA, KINUKUMPIRMA NA SI JESUS ANG DIYOS: Kaya nga, ano ba ang mga bersikulo na nagpapatunay na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas? Napakarami po nila, pero hayaan ninyong ibigay ko lamang ngayon ang mga batayang bersikulo. Ang unang kalipunan ng mga bersikulo ukol dito ay ang Juan 1:1-14, lalo na ang 1:12, na nagsasabing ang sinumang tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay pinagkalooban ng karapatang maging anak ng Diyos.

Ang mga bersikulong ito sa Juan 1 ay maliwanag: ang Diyos mismo, bilang Salita, ang bumaba mula sa langit sa anyo ng tao, pero hindi Siya tinanggap ng Kanyang mga kababayan. At bagamat di binabanggit ng mga ito kung ano ang Pangalan ng Diyos na dapat tanggapin at panampalatayaaan, tinutukoy nito ng walang duda ang propesiyang inilabas ni Isaias 800 hanggang 1,000 taon bago isinilang si Jesus na darating ang Diyos Ama sa daigdig, sa anyo ng sanggol na lalaki.

Ngayon, saan ba makikita sa Bibliya ang Pangalan ng Diyos? Kailangang basahin po natin ang mga bersikulo na nagpapatotoong naganap nga ang propesiya ni Isaias ukol sa Diyos Ama na darating sa anyo ng tao, at kasama dito ang Mateo 1:18-25 at Lucas 1:31. Sa mga bersikulong ito, ipinahayag ang makapangyarihang Pangalan ng Diyos, at ito ay Jesus.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po kayo sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page