top of page
Search

Pamana ni Sereno: paglilinis sa hudikatura

  • By Atty. Batas (Melanio Lazo Mauricio Jr.)
  • Apr 7, 2015
  • 3 min read

INSPIRASYON SA BUHAY: “…panatiliin ninyo ang katarungan sa mga hukuman…” (Amos 5:15, Bibliya).

-ooo-

PAMANA NI SERENO: PAGLILINIS SA HUDIKATURA: Ako ay nagagalak na maging ang Office of the President ay nagsasabing dapat na ngang imbestigahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga ulat na ilang mahistrado ng Court of Appeals ang nagbebenta ng kanilang mga desisyon. Marahil, dapat umpisahan ni Sereno ang kanyang imbestigasyon sa pagtukoy sa sinasabing “justice for sale”, batay sa reklamo ng Coalition of Filipino Consumers.

Kung makikita ng mga abogado at mga litigante (o ng mga may kaso) na walang sasantuhin si Sereno sa pagpapatalsik kung sino ang mga tinatawag ng dating Pangulong Estrada bilang mga “hoodlums in robes”, pupusta ako na mas marami pa ang lilitaw at magbubunyag ng kanilang mga karanasan, kahit na noon pang unang panahon.

Ito na nga siguro ang panahong pinakahihintay ng lahat para sa puspusang paglilinis sa hudikatura, at maaaring ito na din ang magiging pinakamahalagang pamana ng Sereno court, di na lamang para sa hudikatura o sa propesyong legal, kundi pati na sa buong bansa na malaon ng nauuhaw at pinagkakaitan ng tunay na katarungan.

-ooo-

KAIBIGAN BA O KAAWAY NI PNOY ANG MGA CONGRESSMEN? Mukhang dapat ng tuusin ng Pangulong Aquino ang mga itinuturing niyang mga kaalyado sa pulitika, at alamin sa kanyang sarili kung tunay bang ang mga ito ay nag-iisip ng kanyang kapakanan, lalo na pagkatapos niyang bumaba sa kapangyarihan, sa Malacanang, sa 2016.

Sinasabi ko ito matapos akong madismaya sa napakinggan kong asal ng mga kongresistang nagsasabing kaibigan nila at tapat sila kay Aquino, sa hearing ng House of Representatives noong Abril 07, 2015 ukol sa Mamasapano murders. Kung iniisip ni Aquino na panalo siya dahil bumoto ang mga kongresista na huwag na siyang tanungin pa ukol sa Mamasapano, gaya ng panukala ng Makabayan Block, mali siya.

Sa nasabing boto, lalong magngingitngit sa kanya ang buong sambayanang Pilipino sapagkat mag-iisip ang mga tao na nakipag-kuntsabahan lamang si Aquino sa kanyang mga kaalyado upang makaiwas siya sa anumang pananagutan mula sa Mamasapano killings. Sigurado akong kukumpirmahin ang galit na ito ng mga Pilipino sa mga susunod na surveys sa kanyang satisfaction at popularity ratings.

-ooo-

RP SENATORS, NADUWAG SA CHINA SA SPRATLYS: May pananaw aking nakakatandang pinsan, si G. Boy Mauricio, na ngayon ay nasa Harbor City, California, USA: “Ayon sa mga balita, apat na senador ng Estados Unidos ang sumulat kina US secretaries of State at Defense upang batikusin ang China sa kanyang lantarang pananakop ng mga isla sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

“Ang mga senador na ito ng US ay higit pa sa bilang ng mga senador ng Pilipinas na pumuna sa paglusob ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Naku naman, ni walang isang senador ng Pilipinas ang nangahas tumayo sa Senate floor upang kondenahin ang pang-aagaw ng lupa sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Naduwag po ang magagaling at matatapang nating senador sa China!

“Ni hindi sila naantig ng isang pambansang survey ng Social Weather Station na nagsabing higit sa mayorya ng mga Pilipino (93 porsiyento) ang sumusuporta sa mga pagkilos ng gobyerno upang ipagtanggol ang pambansang teritoryo laban sa China! Tama po, mga kaibigan, ang mga natatanging senador na pumupuna sa China sa paglusob nito sa Pilipinas ay lahat nasa Washington DC…”

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po sa +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, o Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) at Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

-30-


 
 
 

Recent Posts

See All
AND KNK: God Himself came to earth

LIFE’S INSPIRATIONS: “…For a child has been born to us, a son has been given to us. He shoulders responsibility and is called… Mighty...

 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page