top of page

LEGAL FORUM: QUESTIONS & ANSWERS

Starting today, we will be posting here questions coming from our readers on various legal issues and our considered answers.

For those who wish to send in their questions, too, they can post it at the CONTACT US portion of this website, or you can send it directly to me at +63 917 984 24 68, +63 918 574 0193, +63 922 833 43 96, or Skype (batasmauricio), Viber (+63 918 574 0193) and Line (+63 917 984 24 68). Email: batasmauricio@yahoo.com, melaniolazomauriciojr@outlook.com, mmauriciojr111@gmail.com.

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

QUESTIONS AND ANSWERS…

1. Church documents not considered official documents on matters of a person’s personal circumstances

QUESTION: Gud pm po, Atty. Batas, ako si A.... ng Calamba, Laguna. Hingi lng po ako sa inyo kung paano ko mababago yung middle name ng baptismal ko. Kasi po Atty. Batas, bali late registered ako sa NSO, pero tama yung middle name ko. Bali po 1976 ako pinanganak, na registered ako 1989. Atty Batas, ang birth certificate ko sa municipyo tama po ang middle name ko, pati mga SSS,TIN #, halos lahat ng ID’s ko tama ang middle name ko, pati certificate ko mula elementary hanggang college ko. So pumunta ako sa simbahan at pinakita ko lahat ng supporting documents ko at nagpagawa ako ng affidavit of discrepancy. Pinakita ko na rin pos a kanila sabi ng sa simbahan hindi na daw pwedeng baguhin un at hindi daw cla tumanggap ng power of atty. Ask ko lang Atty. Batas, pano kpo mababago un at bkit ayan nila na itama ung mali. Dba dpat itama ung mali lalo na pag nsa simbhan. Snap o Atty. Batas matulungan nyo ako at snap o Atty. Masagot nyo ako d2 sa email add na ito. Kc po blak ko pong mag abroad. Umaasa po ako na matutulungan nyo ako, ang inyong tagapagsubaybay sa panonood, Allan at more power sa inyo Atty. Batas (allanlogo@my.smart.com.ph).

ANSWER: Maraming salamat, A...., sa iyong tanoing sa amin.

Sa kasalukuyang takbo ng mga batas, kung may kailangang impormasyon ukol sa mga personal na bagay sa isang tao, ang pagkukunan ng mga tamang impormasyon ay ang mga opisyal na dokumento lamang.

Ang mga opisyal na dokumentong ito ay ang iyong birth certificate, at ang mga dokumentong nakabatay ditto, kagaya ng marriage contarct, SSS at Tax Account Number.

Kung ano ang nakalagay na mga impormasyon sa mga dokumentong ito, iyon ang paniniwalaan at pagbabatayan ng pamahalaan.

Dahil ditto, kung kailangang kumuha ng pasaporte ang isang tao, ang kanyang gagamitin ay ang kanyang birth certificate.

Hindi hahanapin ditto ang mga dokumento sa simbahan, kagaya ng papel ng binyag. Hindi makakaapekto sa mga opisyal na dokumento ang mga papel na manggagaling sa simbahan, kaya kahit mali ang mga nakasaad sa mga papel na ito, hindi ito magiogiong sagabal sa pagkuha ng pasaporte ng isang tao.

2. Agreements containing prohibitions on similar employments with other companies in the future generally valid.

QUESTION: Good day sir, I am Julienne M..... S...... I currently work for a call center in Makati. I have signed a contract where is IS stated “for a period of 1 year after your severance from the services, you shall not, directly or indirectly, engage in any other business undertaking or activity similar or substantially similar to the similar to the business operation of the company or any of its affiliates. For this purpose, directly or indirectly engaging in any business similar or substantially similar to that of the company’ shall include, but is not limited to, engaging in the same business, as owner, partner, representative or as an employee of any person, firm, corporation or other entity”… I originally came from Iloilo but I transferred here to work. I have a husband and a 1 yr old daughter…It was difficult for me and my husband to find somebody who will take care of our child the fact that the child is hyper active and we need somebody who is really patient… Because of that we decided that my husband stop work and take care of our daughter since I have a higher income than him… But even then it is still difficult for us because sometimes my salary is not enough to cover for all our needs… I found an opportunity to work in Iloilo but as a call center agent also… I am really interested in that work because that would mean we can go back to Iloilo and there we have my in laws to take care of the child and my husband can work…

My problem however is that contract I have signed…I have heard from my other co employees that our company have issued subpoena to those who have resigned and work for another call center…I would like to seek advice from you…I would like to know if for the reason I have stated above I could get away w/ what is stated on my contract…The application for the job I want is only until April 30… I hope you can help me with my concern…It would be difficult for me to wait 1 year before engaging on the same work because I might loose many opportunities…Thank You! (Jhien10@yahoo.com).

ANSWER: J----------, thank you too, for your e-mail to us.

Generally, an agreement between a company and its employees prohibiting the employees to be employed with another company doing the same work that they did with the first company is valid.

This is in recognition of the right of each and every individual to enter into any contractual relations that they may consider beneficial to their interests.

It is not to be considered illegal because, when signing the contract, the employee is supposed to have studied and carefully considered its provisions.

On the other hand, when the contract was merely prepared by the company and was merely given to the employee for his or her signature, interpreting its provisions would usually be very restrictive against the company.

This means that, even if the employee signed the contract, this employee is deemed to have given his or her consent only to those provisions which do not unnecessarily curtail his rights.

Thus, in a case such as yours, Julienne, you will have to study your contract with the first company very carefully, and determine what, exactly, were you beiong barred from after your employment with it.

Certainly, you can be barred from being employed for a job that maybe the same or similar to your first job, but you cannot be prohibited from getting a job that would require you to do some other things, even if the second company happens to be engaged in the same or similar line of business as your first company.

The key here is finding dissimilarities between your first and second jobs, and as long as there are substantial differences, you cannot be held liable for the contract that you signed with the first company.

3. Mother extends all-out help to daughter, is persecuted in return.

QUESTION: Atty. Batas magandang araw po. Ako po si J..... A......, 58 yrs. Old, may anak po akong babae 38 yrs. Old galling ng Japan na umuwi magdadalawang taon na ang nakakaraan sya po ay umuwing walang-walang pera. Kasama nyang umuwi ang kaniyang kinakasamang matandang hapon na pangalawa niyang asawa. Sila po ay kinupkop ko sa aming bahay at pinakain. At sinabi nya pos a amin na mayroon syang utang sa mga kamaganak ng hapon kaniyang kinakasama. Tinulungan kop o syang makabayad hanggangsa puntong naisanla ko nap o ang bahay ng kanyang mga kapatid. Ngunit ito’y di pa rin sapat para sa kanya gusto nyang itransfer ko sa kanya ang lahat naming pagari. Di po kami pumayag. Dahil ditto ay nagalit sya sa amin. Dito nagsimulang gumawa sya ng mga kwento at akusahan nya kami mga kapamilya nya ng kung anu-anong mga bagay na pawang di po naming ginawa.Napag alaman po naming kamakailan na ang kaniyang kinakasamang matandang hapon at walang mga kinakailangan dokumento. Walang passport, illegal entry at overstaying na sa Pilipinas ng halos dalawang taon. Napag alaman din po naming na kaya po umuwi ang aking anak sa Pilipinas ay sa kadahilanang sya ay ipinadeport dahil sa kasong paggamit ng ipinagbabawal na gamut kung saan sya po ay nakulong doon sa Japan. Dahil ditto naunawaan po naming kung bakit biglang nagbago ang kaniyang ugali dahil say ay nalulong na sa droga. Napag alaman din po naming na ang aking anak ay nangungutang sa maraming tao at di binabayaran. Ito po ang kanyang ginagamit sa kaniyang pagbibisyo. Kahati nya pos a ganitong Gawain ang aking mga kapatid na sina Ofelia Aguas Lacson at Lourdes Aguas orje. Kung saan malaking bahagi ng kaniyang nauutang ay binibigay nya sa dalawa. Naawa po ako sa aking anak nais kop o na sya ay gumaling kaya aako po ay nagdesisyon na sya ay ipaghamot sa tulong po ng Narcotics sa Valenzuela City ay nadala pa naming sa Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa Barangay Sto Nino, Magalang, Pampanga noong April 19, 2005. Dito po ay napatunayan na positive sya sa drugs at sya ay alcoholic at na confine sya. Ang kanya naman pong kinakasam na matandang hapon ay nahuli ng Valenzuela City Police, sa Dona Ata, Marulas Staion, kung saan sinabi sa amin ng mga Police na ituturn over sa Immigration, ngunit noong pong April 21, 2005 6pm may tumawag pos a aming bahay mula sa Rehab, na sinabing may nagpipilit daw pong maglabas sa aking anak, dalidali po akong pumunta kasama ang kanyang mga kapatid sa Pampanga. Pagdating po naming bandang 10pm ng gabi ay nakita naming inilabas sya sa Central Luzon Drug Rehabilitation Center, ng isang Major Felido ksama ang matandang Hapon at mga Pulis, nagngangalang PO2 Joey Villanueva at PO3 Joey Corampoy. Hinabol po naming ngunit mabilis po silang sumakay sa sasakyan at nagmamadaling umalis. Pinilit po naming makausap ang Chief ng Central Luzon Drug Rehabilitation Cenetr na si Fortunato Bundalian ngunit ayaw po kaming kausapin. Kinausap po nlang po naming ang mga nagbabantay sa Rehab, tinatanong po naming ang kanilang Rules na ang Petitioner lang ang pwedeng maglabas, at kung paano nangyari nailabas sya ng ibang tao. Sinabi po nila na ang nagpalabas po ay si Marites P. Cordero at Amado Paneda s autos po ng kanilang Chief na si Fortunato Bundalian. May nakapagbulong pos a amin na empleyado ng Rehab na nagkaroon po ng bayaran kaya nailabas ang aking anak. Sa ngayon po ay ginigipit kami ng Major Felido at pinapalabas na kinidnap naming ang aking anak at ang matandang Hapon. Napag alaman po naming ay kami ay pinapadampot at idedetain sa Camp Crame. Gagawin daw po nila ang lahat para maipakulong kami. Nalaman po naming na ito ay inaasikaso ng aking mga kapatid na sina Ofelia Aguas Lacson at Lourdes Aguas Orje. Nais ko lamang pong ipagamot ang aking anak, nais ko po lamang na sya ay gumaling. Sa ngayon po ay wala na akong pera dahil naitulong ko sa aking anak. At ako din po ang kailangang sumagot ng kaniyang pagkakautang .ano po ang aking pwedeng magawa .sana po ay matulungan nyo po ako sa kalbaryong aking narananasan.Juliana Aguas (Juliana_aguas@yahoo.com).

ANSWER: Maraming salamat, Aling J....... A..... sa iyong sulat sa amin.

Medyo masalimuot ang iyong problema, sapagkat lumilitaw na ang tanging kasalanan mo ay sobra kang nagmahal sa iyong anak.

Masama din pala ang sobrang pagmamahal, at dapat din pala itong iwasan.

Magkaganunman, naririto po an gaming mga pananaw sa inyong kaso ;

Una, kailangang maiparating po sa kinauukulan sa Philippine national police ang mga pangyayaring inilatag ninyo dito sa inyong e-mail sa amin , upang makakilos sila ng tama.

Naniniwala akong may kailangang ipaliwanag ang mga kawani ng Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa San Fernando, Pampanga, na gumawa ng paraan para ilabas ang inyong anak na isinailalim sa rehabilitasyon batay sa inyong kahilingan.

Dahil dito,aanyahan namin kayo na magtungo sa aming tanggapan ,sa 18 D. Mahiyain corner Mapagkawanggawa,Teachers Village, Diliman, Quezon City, Lunes hanggang Biyernes alas 5 ng hapon o Sabado, bago mag alas sais ng umaga.

Kung hindi naman maaari kayong sumulat sa amin sa nasabi ding address, at ilakip ang lahat ng mga dokumentong may kinalaman sa rehabilitasyon ng inyong anak.

Pangalawa kailangang maging matatag kayo sa mga kasong maaaring isampa ng mga tumutulong sa inyong anak. Kailangang kumuha kayo ng magaling na abogado sa inyong lugar upang maipagtanggol ang iyong sarili.

Huwag lamang ninyong kakalimutan na kung kayo ang nasa katotohanan, wala kayong dapat ikatakot, sapagkat siguradong sasamahan kayo ng Poong Maykapal.

Sabi nga sa Banal na Kasulatan, ang Panginoong Hesukristo ang siyang Katotohanan, Daan at ang Buhay, at ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan....

RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:
No tags yet.
bottom of page